• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo, may comment sa hugging video nila ni Alden Richards na naging viral

Kathryn Bernardo, may comment sa hugging video nila ni Alden Richards na naging viral

Sino ang mga leading men na gusto makatrabaho ni Kathryn Bernardo?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/27/2019 1:14 PM
Kathryn Bernardo, may comment sa hugging video nila ni Alden Richards na naging viral


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Kapamilya star Kathryn Bernardo kung gaano siya kakumportable sa kanyang leading man sa Hello, Love, Goodbye na si Alden Richards.  

Natanong ito dahil sa “hugging video” nila ni Alden na nag-viral. 

“Naging magkaibigan kami ni Alden while making this film and mas nakilala ko po kasi siya and in-allow ko lang din siya na kilalanin ako. So wala kaming pinilit or anything. Magaan ang loob ko kasi napaka-genuine po niya, so naging kumportable po ako,” paliwanag ni Kat. 

“Nakatulong yung buong barkada na nabuo sa movie,” ayon pa kay Kathryn. 

Sa mga possible leading men naman ay “nag-hello” si Kathryn kay Joshua Garcia kung maganda raw ang project at kung may approval ng kanyang boyfriend at ka-love team na si Daniel Padilla.

Kay Enrique Gil naman ay “goodbye” muna si Kathryn dahil namiss daw niya at ng mga fans na magkasama sina Quen at Liza Soberano. 

Kung si Piolo Pascual naman ay “hello” agad si Kathryn dahil ayon sa kanya “Papa P yan e.” 

Kay James Reid naman ay nag-goodbye agad si Kathryn dahil sa ayaw daw niyang magkagulo ang fandoms. “Ayoko ng away, tahimik na ang buhay ko so goodbye!” ani Kathryn. 

READ: Kathryn Bernardo, ‘di uurong kay Nadine Lustre sa aktingan