EXCLUSIVE: Kumusta na ang puso ni Joshua Garcia?

Joshua Garcia, naka-focus ngayon sa trabaho.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/27/2019 12:00 PM
EXCLUSIVE: Kumusta na ang puso ni Joshua Garcia?


Bago pa magsimula ang The Killer Bride presscon sa Dolphy Theater ay lumapit na sa amin si Joshua Garcia para yumakap at mangumusta. Naging close kami sa aktor simula pa lang nung lumabas siya sa Pinoy Big Brother house kaya meron na kaming instant connection.

Tinginan pa lang namin sa kanya ay nase-sense na namin kung he is genuinely happy or merong pinagdadaanan.

During the presscon of The Killer Bride ay hindi lang ako ang nakapansin na malungkot ang mga mata ni Joshua. Hindi raw ito katulad ng dati lalo na nung mga panahong kasintahan pa niya si Julia Barretto.

Bulong namin kay Joshua, “Kumusta ka na? Kumusta ang puso mo?”

Sagot niya sa amin, ‘Okey lang ako Kuya Leo. Huwag kang mag-alala sa akin,” na sinundan niya nang isang mahigpit na pagyakap.

Tanong ulit namin, “Magpapainterbyu ka ba sa press pagkatapos ng presscon?”

Sagot ng aktor na tila naguguluhan, “Hindi ko po alam. Bahala na po.”

Okey ba kayo ni Julia ngayon sa kabila ng nangyari? Muli naming bulong kay Joshua.

“Okey naman po kami. Magkatrabaho pa nga kami. Okey po, okey naman,” simpleng sagot ng binata.

Hindi na namin naitanong kay Joshua ang ilang isyu involving his ex-girfriend at ang aktor na si Gerald Anderson dahil kinailangan na niyang umupo sa harap ng stage.

After the presscon, hinanap siya ng entertainment press and bloggers para mainterbyu pero hindi na siya mahagilap. Sabi ni Thess Gubi, head ng Star Magic PR, may previous commitments pa si Joshua na kailangan nitong puntahan.

Kasama ni Josh na umalis sa Dolphy Theater ang kapareha niyang ng si Janella Salvador kaya hindi na rin siya nainterbyu ng press.

Samantala, during the presscon proper ay inulit namin ang tanong kay Joshua kung kumusta na siya ngayon.

“Ako po ay okey na okey lang po,” sagot ni Joshua sa tanong namin na pinalakpakan ng press at ng kanyang The Killer Bride co-stars.

Segue kami sa tanong kung paano niya hinaharap ngayon ang bawat araw ng buhay niya pagkatapos ng mga pinagdaanan niya.

“Ah… masaya lang po kasi ako ngayon, eh. Kumbaga, haharapin ko siguro yung araw na siguro passionate ka sa trabaho mo, kasi puro trabaho lang ho talaga ako recently. So, malayo yung isip ko (do’n), nasa trabaho,” sagot ng magaling na aktor.

Bukod kina Joshua at Janella, bida rin sa The Killer Bride sina Maja Salvado at Geoff Eigenmann.