• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Joji Alonso on Kit Thompson: ‘Huwag mong ipakita lahat.’

Direk Joji Alonso on Kit Thompson: ‘Huwag mong ipakita lahat.’

Attorney-turned-director Joji Alonso has advice for Kit Thompson.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/27/2019 12:11 PM
Direk Joji Alonso on Kit Thompson: ‘Huwag mong ipakita lahat.’


Ang Belle Douleur (Beautiful Pain) na isa sa official entries (full-length section) sa gaganaping Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines (CCP) mula August 3-11 ay directorial debut ni Atty. Joji Alonso.

Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Mylene Dizon at Kit Thompson na mayroong tatlong matitinding love scenes.

“I have three love scenes in the film and each love scene has a story to tell,” kuwento ng Quantum producer-turned film director.

“Hindi ko ito ginawa para lang magpahubad ng tao. In fact, sabi ko, ‘Kit, mag-cover tayo, maglagay tayo ng cover-cover.’”

Sagot daw ni Kit sa kanya, “’Direk, okay lang ako na wala.’ Sabi ko, ‘wag mong gawin ‘yan. Ha! Ha! Ha!”

Tila palaban nga si Kit at kitang-kita naman ito sa trailer ng pelikula. 

“Sabi ko, malayo pa ang mararating mo, bata! Huwag mong ipakita lahat. Ako pa ang nagsabi, which is true,” paliwanag pa ng debutante Cinemalaya director. 

Ayon pa sa lady director, naging very cooperative din si Kit sa kanilang shooting.

“He was very cooperative. He was very willing to do everything that I would request him, kung ano ‘yung ikagaganda ng pelikula,” she said.

With regards naman to Mylene, ayon sa director, ang aktres daw ang only choice niya for the role of Elizabeth na isang 45-year old psychologist.

“Kasi I saw Elizabeth in her. When I was conceptualizing the material, siya ‘yung nasa isip ko,” diin niya.

Patuloy ng director, “Number 1, she’s a very good actress. Ang galing-galing niyang artista as in wala akong masabi. Hindi ako mahihirapan as a director kung magaling ‘yung artista, ‘di ba? Plus she exuded everything that Elizabeth was in the story.”

Nakita rin daw niya na may chemistry ang dalawa sa pelikula.

“We only had one sensuality workshop, eh,” lahad ng direktor, “and I saw the fire in the two. Sabi ko, heto na.

“Oo, may fire! Sobrang bagay na bagay. When you watched the film, you’d wish that they end up together,” kuwento pa ni Direk Joji. 

Belle Douleur will have its gala premiere sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) on August 3 at 6:15 in the evening at naka-schedule na rin itong ipalabas sa mga sinehan sa August 14.