• Home
  • Fresh Scoops
  • Awra Briguela sa ‘Mga Batang Poz’ series: ‘Kailangan kong tumayo para sa mga bakla at bata na katulad ko’

Awra Briguela sa ‘Mga Batang Poz’ series: ‘Kailangan kong tumayo para sa mga bakla at bata na katulad ko’

Bilang menor-de-edad, nagkaroon ng resident Child Psychologist sa set ng ‘Mga Batang Poz’ advocacy series para kay Awra Briguela.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/27/2019 11:41 AM
Awra Briguela sa ‘Mga Batang Poz’ series: ‘Kailangan kong tumayo para sa mga bakla at bata na katulad ko’


Photo credit: @awrabriguela IG

Walang pag-dadalawang isip na nagpurisgi ang gay child actor na si Awra Briguela nang inimbitahan siya sa audition para sa Mga Batang Poz. Ayon kay Awra, nagulat man siya sa naging paksa ng proyekto, naging challenge ito sa kaniya bilang aktor. 

"Nung nalaman ko pong may mga eksenang hindi pang-age ko, nagulat po ako pero I really challenge myself po nung nalaman kong advocacy film siya, about HIV ito.

"As part of the LGBTQ, kailangan kong tumayo para sa mga bakla at bata na katulad ko. Para maging aware sila at para hindi sila magkaroon ng sakit na 'to," pahayag ni Awra sa interview sa naganap na press conference nitong Miyerkules, July 24. 

LOOK: #ResistTogether:’ Celebrities support LGBTQIA+ Pride

READ: Awra Briguela, masayang napagtapos ang ama

Ibinahagi din ni Awra ang pagkakaroon ng resident child psychologist sa set nila habang nagshu-shooting para sa advocacy series. Para sa kaniya, naalagaan siya nang maayos ng production team bilang menor-de-edad. 

"Sa audition parang ilang beses nilang inulit sa akin na 'willing ka ba talaga, under-age ka' ganyan, tapos inexplain din nila sa akin na mayroong psychologist doon sa set at aalagaan naman po ako doon," kuwento ni Awra. 

First choice na raw sa simula pa lang si Awra para sa role na Chuchay, isa sa apat na main characters sa Mga Batang Poz. "Gusto ko ring sabihin na nung binasa ko talaga yung libro ni Jun Matias, yung sa role na Chuchay si Awra talaga yung naisip ko," sabi ni Direk Chris Martinez. 

Hango sa young adult novel na may kaparehong title ang naturang advocacy series ng iWant. Kasama ni Awra sa cast members sina Mark Neumann, Paolo Gumabao, at Fino Herrera. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy yan?? ❤️

A post shared by xoxo (@awrabriguela) on

 

READ: Awra Briguela, Mark Neumann play persons living with HIV in an iWant original series, 'Mga Batang Poz'

Mapapanood sa iWant app nang libre ang Mga Batang Poz.