Andi Eigenmann, ipinakilala ang bagong baby

Lilo ang napiling palayaw nina Andi Eigenmann at kanyang partner na si Philmar Alipayo para sa kanilang unang anak.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/27/2019 10:23 AM
Andi Eigenmann, ipinakilala ang bagong baby


Photo credit: @andieigengirl IG

Proud na ibinahagi ni Andi Eigenmann ang kanyang bagong silang na baby girl na si Keliana Alohi.

Sa Instagram, ipinakita sa publiko ng aktres ang cute na anak nila ng surfer na si Philmar Alipayo na binansagan niyang “Lilo”.

 

 

“On the 23rd day of July 2019, at 1:27PM, we met the newest member of our tribe. We decided to call her, Keliana Alohi Eigenmann Alipayo, or just Lilo,” post ni Andi.

Hindi man aktibo ngayon sa showbiz, abala ngayon si Andi bilang isang negosyante isla ng Siargao.