• Home
  • Fresh Scoops
  • Kadenang Ginto's 'Ninang' Angelina Kanapi, may sagot sa kumento ni Vice Ganda sa kanyang karakter

Kadenang Ginto's 'Ninang' Angelina Kanapi, may sagot sa kumento ni Vice Ganda sa kanyang karakter

Masayang inanunsyo rin ni Angelina Kanapi ang nalalapit na kasal niya sa kaniyang foreigner boyfriend.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/26/2019 5:16 PM
Kadenang Ginto's 'Ninang' Angelina Kanapi, may sagot sa kumento ni Vice Ganda sa kanyang karakter


Photo Credit: @angelinakanapi2018 on IG

Matapos maging topic sa masayang interview ni Vice Ganda kina Dimples Romana at Beauty Gonzalez sa isang episode ng Gandang Gabi Vice ay bumisita naman ang 'Ninang Ng Bayan' ng Kadenang Ginto na si Angelina Kanapi sa Magandang Buhay ngayong Biyernes, July 26. Dito ay sinagot ni Angelina ang pahayag ni Vice tungkol sa 'pagka-irita' nito sa karakter niya bilang Juanita Galvez. 

"Naaapektuhan ako Vice na hindi ka naniniwala," pabirong sagot ni Angelina matapos panoorin ang clip mula sa GGV

"I am honored na she actually mentioned my character - Oo ninang talaga ako ni Daniela, ang backstory diyan kasi ang asawa ni Robert Mondragon before Romina, died and her name is Camilla kaya Camilla Sardines. And Camilla is my best friend. Kaya ako nakapagtrabaho as President of Finance sa company," paliwanag ni Angelina. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Shoot with @slinkymax, @basconetti and @aalixjr . Coming soon!

A post shared by Angelina Kanapi (@angelinakanapi2018) on

Panoorin ang pahayag ni Vice kay Ninang Juanita:

 

Ayon din kay Angelina, bilang isa ang karakter niya sa mga patok na mga memes sa social media, ine-enjoy na lang niya ang mga ito kaya't todo share rin siya sa mga nakakaaliw na larawan niya. 

"Sabi ko, 'Wow nakakatuwa to.' So pinost ko lang siya nang pinost sa wall ko kasi nakakatawa siya lalo na yung 'extra rice.' Nakaka-overwhelm, pero minsan lang ito mangyari no, so ine-enjoy ko siya," ani Angelina. 

Sa interview ng momshie hosts ay pahapyaw rin nag-kuwento ang aktres tungkol sa kaniyang pagiging ina sa dalawa niyang anak. Bilang single mom, marami na raw siyang pinasukang trabaho, tulad ng pagbebenta ng kotse, at mga pagkain. 

"So yun yung mga work ko, at the same time, nag-stage actor ako. Hindi gano'n kalaki yung bayad, pero yun kasi yung passion ko. Tapos nagda-dubbing din ako, sa cartoons, at Mexican teleseries," pagpapatuloy niya. 

Isang masayang anunsyo rin ni Angelina sa morning talk show ay ang nalalapit niyang kasal sa kaniyang foreigner boyfriend sa darating na September. "I'm going to the States on September [for the wedding]," masayang pahayag niya. 

Patuloy na mapapanood si Angelina bilang ninang ng karakter ni Dimples Romana, sa Kadenang Ginto mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Gold.