• Home
  • Fresh Scoops
  • Jeffrey Tam, ikinuwento kung paano nagsimula ang JeJoDen o samahang Jeffrey, Joross Gamboa, at Alden Richards

Jeffrey Tam, ikinuwento kung paano nagsimula ang JeJoDen o samahang Jeffrey, Joross Gamboa, at Alden Richards

Jeffrey Tam on JeJoDen: ‘Nung nagkita-kita kami, wala na riot na e.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/26/2019 12:45 PM
Jeffrey Tam, ikinuwento kung paano nagsimula ang JeJoDen o samahang Jeffrey, Joross Gamboa, at Alden Richards


Photo Credit: @@akosijefftam on Twitter

Sa Tonight with Boy Abunda, ikinuwento ni comedian Jeffrey Tam kung paano nagsimula ang samahang JeJoDen o Jeffrey, Joross Gamboa, at Alden Richards sa set ng Hello, Love, Goodbye.

Ani Jeffrey, naging memorable para sa kanya ang pelikula dahil sa bukod sa first time niyang gumawa ng pelikula sa Hong Kong, ay first time din niyang nakatrabaho si Alden. “Memorable siya kasi first time ko gumawa ng movie sa Hong Kong, tapos it’s my first time to work with Alden. Wala siyang bad vibes, puro good vibes so parang ang gaan ng trabaho sa set,” ani Jeffrey.

Nagsimula daw ang JeJoDen dahil sa nasa isang room lang silang tatlo sa Hong Kong at naging instant ang rapport nila. “Kasi isang room lang kami e. First time naming mameet si Alden. First time naming makatrabaho ni Joross. Nung nagkita-kita kami, wala na riot na e,” kuwento pa ni Jeffrey.

Naging patok rin daw ang JeJoDen maging sa mga nakakapanod sa kanila online. “Nagstart lang ako mag-put up ng video. Tapos in-upload ko, so andami na nag-tweet na ang saya, napapasaya niyo kaming tatlo,” ani Jeff. 

WATCH: Maymay Entrata gets lost in Hong Kong