Ion Perez, pina-tattoo ang birthday ni Vice Ganda?

Usap-usapang muli sa social media ang It’s Showtime mainstay na si Ion Perez matapos mapansin ng ilang netizens ang isang date sa kanyang bagong ink na ibinida niya sa Instagram nito lamang Huwebes.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/26/2019 2:09 PM
Ion Perez, pina-tattoo ang birthday ni Vice Ganda?


Photo Credit to @ionperezfanpage on IG and @ praybeytbenjamin R

Usap-usapang muli sa social media ang It’s Showtime mainstay na si Ion Perez.

Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens ang isang date sa kanyang bagong tattoo na ibinida niya sa Instagram nito lamang Huwebes.

Ayon sa fans, hindi coincidence na ang “03 31 1976”, o Marso 31, 1976, na ipina-tattoo ni Ion sa kanyang kaliwang binti ay ang birthday ng kanyang rumored partner na si Vice Ganda.

August 4, 1947 at February 3, 1952 ay ilan pa sa mga dates na kanyang ipina-tattoo, ngunit hindi naman nagbigay ng detalye si Ion tungkol sa meaning nito.

Nag-simulang ma-link ang dalawa matapos ang guesting ni Ion sa Gandang Gabi Vice nitong Marso, kung saan inamin niya na espesyal sa kaniya si Vice.

 

 

Nito lamang nakaraang linggo nang napabalita sila muli matapos ang usap-usapang pagmi-meet ng kanilang mga pamilya.

READ: LOOK: Vice Ganda meets Ion Perez’s family

Sa ngayon ay hindi pa rin nililinaw ng dalawa sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon,