• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jennica Garcia-Uytingco, magbabalik teleserye matapos ang anim na taon

EXCLUSIVE: Jennica Garcia-Uytingco, magbabalik teleserye matapos ang anim na taon

Tinuturing na blessing ni Jennica Garcia-Uytingco ang pagbabalik teleserye niya sa ABS-CBN.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/26/2019 4:24 PM
EXCLUSIVE: Jennica Garcia-Uytingco, magbabalik teleserye matapos ang anim na taon


Matapos ang halos anim na taon, nagbabalik sa paggawa ng teleserye si Jennica Garcia-Uytingco. Bilang first-time din sa teleserye ng Kapamilya Network, malaki ang pasasalamat ni Jennica sa Star Creatives sa mainit na pagtanggap sa kaniya. 

"Masayang masaya po ako na makakasama ko po rito si Direk Mae [Alviar], at nalaman ko nga rin sa kaniya kanina na nag-AD (assistant director) nga po siya noon, kung saan kasama si mama (Jean Garcia)." 

"Everytime mama would talk about her Pangako Sa 'Yo days, lagi niyang sinasabi na it's one of her biggest blessings in life, so for me, this is also one of my biggest blessings because I really wanted to do something with ABS-CBN, and to be doing something with Miss Bea Alonzo, I'm really really excited about it," pahayag ni Jennica habang wine-welcome siya ng Star Creatives team, at ng bibidang aktres na si Bea Alonzo. 

Sa ekslusibong panayam kay Jennica ng PUSH sa story conference na naganap ngayong araw, inamin ni Jennica na ngayon lang rin niya nalaman na opisyal na siyang kasama sa cast members. "Nagulat nga po akong may mini press con po pala ngayon, kasi akala ko po audition. Kasi sabi po look test. Tapos nung nandito na ako sabi ko, 'Parang totoo na ata, parang kasama na ata ako," sabi ng aktres. 

Pagpapatuloy ni Jennica pinili niya at ng kaniyang asawa na si Alwyn Uytingco ang pagpapahinga niya sa showbiz ng anim na taon para makapag-focus sa pagiging ina. Sa ngayon, may dalawang anak sina Jennica at Alwyn, isang four years old at isang one year old. 

"Nung nag-one year old na yung (pangalawang) anak ko, binigyan ako (ni Lord) ng go-signal na sige na daw. Buti na lang nung sinabi ko sa handler ko, nabigyan ako agad ng project," kuwento ni Jennica na tinutukoy ang naturang teleserye sa ABS-CBN

Nang tinanong naman si Jennica kung ano ang naging reaksyon ni Alwyn sa kaniyang pagbabalik, "Actually he's very worried, kasi I will be away three times a week, whole day. You know naman how teleseryes work, yun actually yung reason na wag muna akong tumanggap ng teleserye other than guesting, that will make me commit to maximum of two-three working days lang."  

"Pero maganda lang din kasi si Alwyn ngayon, ang work niya madalas ay as a producer, as a director, or writer, so hawak niya yung time niya. So nagdecide na lang siya na iiwasan niya yung M-W-F, so that he will be with the kids. Now we both have work and my children are with my dad," kuwento ni Jennica. 

Wala pang nilalabas ang Star Creatives na magiging pamagat ng naturang teleserye. Bukod kay Bea, kasama rin ni Jennica bilang cast members sina Roxanne Barcelo, Jameson Blake, Christian Bables, Rafael Rosell, at Richard Gutierrez.