• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo, nagsalita na tungkol sa isyu nila ni Gerald Anderson

Bea Alonzo, nagsalita na tungkol sa isyu nila ni Gerald Anderson

Bea Alonzo, moving forward kahit may pinagdadaanang matindi sa kanyang buhay pag-ibig.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/26/2019 1:53 PM
Bea Alonzo, nagsalita na tungkol sa isyu nila ni Gerald Anderson


Photo Credit: @beaalonzo @andersongeraldjr on Instagram

Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng aktres na si Bea Alonzo sa pagbuhos ng pagmamahal sa kanya ngayon.

Kasunod ito ng kanyang pinagdadaanan sa buhay pag-ibig na kanyang ibinahagi sa kanyang social media account.

READ: Bea Alonzo's fans alarmed by her cryptic message on social media

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

Ayon kay Bea tuloy lang ang trabaho sa kabila ng bigat na kanyang dinadala ngayon.

“Feeling ko pinalaki naman ako ng ABS-CBN na professional so I always have to show up regardless of whatever’s happening in my life,” tugon ng aktres sa naganap na story conference ng kanyang upcoming Kapamilya series.

“I’m moving forward. But siyempre di naman ako pwede magpaka-ipokrita,” patuloy pa niya.

Hindi din daw inakala ni Bea ang buhos ng pagmamahal sa kanya ngayon mula sa mga malaapit na kaibigan.

READ: Celebrities console Bea Alonzo amid controversy

“Malaking bagay na nandiyan ang mga kaibigan ko. Malaking bagay na maraming nagki-care para sa akin. Nagugulat nga ako na maraming nagpapadala ng bulaklak, maraming nagte-text. Malaking bagay yun para sa akin," pahayag pa ng aktres.

Nang matanong naman siya kung totoo bang naghiwalay na sila ng boyfriend na si Gerald Anderson ito lamang ang maikling tugon niya: "Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me."

Bukod sa teleserye kasado na din ang balik pelikula ni Bea kasama si Angelica Panganiban at Richard Gutierrez.