• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Liza Diño, naging emosyonal habang pinapanood ang guesting ng mag-ama na sina Ice Seguerra at Amara

PANOORIN: Liza Diño, naging emosyonal habang pinapanood ang guesting ng mag-ama na sina Ice Seguerra at Amara

Pag-amin ni Ice Seguerra, isang challenge ang pagpapaliwanag sa anak ni Liza Diño ng kanilang set up bilang pamilya.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/25/2019 11:35 AM
PANOORIN: Liza Diño, naging emosyonal habang pinapanood ang guesting ng mag-ama na sina Ice Seguerra at Amara


Naging emosyonal ang dating aktres at ngayo'y FDCP (Film Developmental Council) Chair na si Liza Diño, habang pinapanood mula sa audience ang guesting ng kaniyang mag-ama na sina Ice Seguerra at Amara, sa episode ng Magandang Buhay nitong Martes, July 23.

"I’m very grateful po, for my Baba [Ice Seguerra] kasi he has helped me so much and I really really love him. I treat him as my real family. It doesn’t matter, blood or whatever. It’s us how you treat each other, that’s what matters.”

"I promise to grow up na mabuti, like good, like really good, like awesome,” mensahe ni Amara kay Ice, matapos ang kanilang nakaka-touch na duet performance.

Bago matapos ang interview, lalo pang na-touch ang mga momshie hosts sa iniwang sagot ni Ice sa anak.

"I know you’ll keep that promise, kasi I'm really confident siguro if there’s one thing I’m proud of, I’m very confident of how Liza and I and Ken brought up Amara, alam namin that she has a very, very good heart, wala akong fears,” ani Ice.

Panoorin ang interview dito:

Si Amara ang 12-year old na anak ni Liza sa dating nakarelasyon. Taong 2014 nang unang kinasal sina Ice at Liza sa United States, na naulit din nang 2015.

Pag-amin ni Ice isang challenge din sa kaniya bilang ama ang pagpapaliwanag kay Amara ng kanilang set up bilang pamilya.

"Ako din mismo, may trauma sa bata. Kasi there was a point when I was younger na I had a girlfriend who had a kid na lumabas siya na ako 'yung nandoon, so parang baby ko talaga. And then noong nag-split kami I was heartbroken, kasi feeling ko nawala 'yung baby sa akin," pahayag ni Ice sa mga momshie hosts.

Pagpapatuloy ng dating child star, may mas magandang komunikasyon sila ngayon. "Ang maganda sa family namin ay we talk about everything, as in our communication is very open even with Amara's dad in the States. Kumbaga if there’s a decision to be made it’s all us who will decide.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

‪Family is Love in all forms and ways! 💛 #MBPamilyaSaPuso‬

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

"We make sure na walang siraan, 'yung hindi namin sinisiraan 'yung other party. We want her to grow up feeling na hindi ka nawalan ng family but nagkaroon ka pa ng bago, nadagdagan pa," dagdag ni Ice.