• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre out, Bela Padilla in sa MMFF entry na ‘Miracle in Cell No.7’

Nadine Lustre out, Bela Padilla in sa MMFF entry na ‘Miracle in Cell No.7’

Si Bela Padilla na ang kapalit ni Nadine Lustre sa remake ng Korean film na ‘Miracle in Cell No.7’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/25/2019 8:55 PM
Nadine Lustre out, Bela Padilla in sa MMFF entry na ‘Miracle in Cell No.7’


Photo credit: @nadine and @bela on Instagram

Hindi na magiging bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang aktres na si Nadine Lustre na bahagi sana ng “Miracle in Cell No. 7” kasama si Aga Muhlach.

Ito ang 2019 movie entry ng VIVA Films sa taunang film festival na mapapanood sa darating na Pasko.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Meeting for a new project! 🔜 @nadine @agamuhlach317

A post shared by VIVA ARTISTS AGENCY (@vivaartistsagency) on

Ayon sa MMFF official na si Noel Ferrer, aprubado na ang hiling ng VIVA Films sa film fest na palitan ang aktres sa kanklang entry,

“Miss Lustre has begged off the project due to medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film,” tugon ni Noel sa ipinadalang mensahe ng PUSH.

READ: Aga Muhlach, Vice Ganda, Kris Aquino at Vic Sotto magbabanggaan sa MMFF

Ayon pa sa opisyal ng MMFF, aprubado na din ang pagbibigay kay Bela Padilla ng role ni Nadine sa pelikula.

“We believe that Bela Padilla is an excellent actress and a bankable star and she will significantly contribute to the film's artistry and commercial success,” pahayag pa nito.

Ito sana ang unang beses na magiging bahagi si Nadine ng MMFF.