• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo, ‘di uurong kay Nadine Lustre sa aktingan

Kathryn Bernardo, ‘di uurong kay Nadine Lustre sa aktingan

Isa ngayon sa pangarap ng kanilang mga fans ang pagsasama ni Nadine Lustre at Kathryn Bernardo sa isang pelikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/25/2019 12:54 PM
Kathryn Bernardo, ‘di uurong kay Nadine Lustre sa aktingan


Kasunod ng hindi isinasarang posibilidad ng aktres na si Nadine Lustre sa pagsasama nila ni Kathryn Bernardo sa isang proyekto, tila handa din daw ang Hello, Love, Goodbye actress sa wish ng fans na magsama sila sa isang proyekto.

READ: Nadine Lustre, game na makasama si Kathryn Bernardo sa isang proyekto

"Game ako, basta may magandang materyal, okay sa VIVA Artist, okay sa Star Magic. Kasi may mga proseso yan, hindi naman porke't gusto natin pwede na agad," tugon ni Kathryn sa panayam.

"Pero kung ako personally, basta may magandang materyal, Yes!" sabi pa ng aktres.

Ayon pa sa Kapamilya star, hindi ito impossibile lalo na at pareho silang ABS-CBN artist.

"Kasi ito ngang kay Alden (Richards), nagawan naman natin ng paraaan, what more ito na, pareho kaming nasa ABS-CBN, sabi ko nga 'hello to opportunity this year' so yeah I'm open naman," aniya.

Bukod sa posibilidad na pagsasama sa isang proyekto, binigyang linaw din ni Kathryn na walang kompetisyon sa pagiging best actress sa pagitan nila ni Nadine.

"Happy ako na nakuha niya, yung best actress happy din ako sa nangyari sa akin. So, ang mga tao lang naman ang gumagawa ng ganyang issue, pero personally sa amin dalawa, hindi kami nagkakasama off cam, pero okay kami," sabi pa niya.

Aniya, naniniwala din siya na magkaiba sila ni Nadine ng pwedeng ipakita sa kanilang mga fans.

"Sa competition? Naniniwala ako na magka-iba kasi kami ni Nadine, mayroon kaming. uniqueness in our own ways, mayroon siyang strengths, meron din ako, so iba. Singer siya hindi naman ako singer alam mo 'yun 'yung mga ganyan na bagay so wala po magkaiba po kami," pahayag pa ni Kathryn.

Sa ngayon, abala si Kathryn kasama si Alden Richards sa promo ng Hello, Love, Goodbye na mapapanood simula ngayong July 31.