Arjo Atayde at Maine Mendoza, spotted sa concert ng LANY

Magkasamang pinanood nina Arjo Atayde at Maine Mendoza ang American indie pop band na LANY saABS-CBN was named Best TV Station by the KBP at the Golden Dove Awards this year, among many other awards for TV and radio categories the network has bagged.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/25/2019 12:50 PM
Arjo Atayde at Maine Mendoza, spotted sa concert ng LANY


Photo Credit: @mainedcm @arjoatayde on IG

Magkasamang umattend ang rumored couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza ng concert nitong Miyerkules, Hulyo 24.

Pinanood ng dalawa ang American indie pop band na LANY sa second night ng kanilang three-part Manila show na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Sa gitna ng concert ay nakuhanan ang dalawang ng retrato ng MOA Arena at agad na ibinahagi ito sa kanilang official Twitter account.

Sa tweet na ibinahagi ni Maine sa parehong gabi, sinabi nito na humabol lang sila sa concert galing sa biglaang taping.

 

 

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nanood sila ng show na magkasama. Nobyembre ng nakaraang taon nang unang mabalita ang dalawa matapos na makuhanan ng fans sa Karpos Live 3.3 na ginanap sa Vertis North, Quezon City.

Samantala, bukod sa napapabalitang pair, ilang artista rin ang dumalo upang panoorin ang LANY, kabilang na sina Alexa Ilacad, Michelle Vito, at Top Suzara.

Ang nasabing concert ay parte ng 2019 Malibu World Tour ng nasabing international band. Ilan lamang sa hits ng LANY ay ang 'ILYSB', 'Super Far', at 'Thru These Tears.'