• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre, hindi nahirapang mag-adjust kay Sam Concepcion sa ‘Indak’

Nadine Lustre, hindi nahirapang mag-adjust kay Sam Concepcion sa ‘Indak’

Ibinahagi ni Nadine Lustre kung ano ang natutunan niya kay Sam Concepcion sa ‘Indak’.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/24/2019 12:08 PM
Nadine Lustre, hindi nahirapang mag-adjust kay Sam Concepcion sa ‘Indak’


Pangalawang movie na ni Nadine Lustre ang Indak na hindi niya kasama ang boyfriend at ka-love team na si James Reid. Sa pelikulang Ulan ay si Carlo Aquino ang kanyang kapareha at sa latest film niya na isang dance movie ay si Sam Concepcion naman.

Ayon ay Nadine, nagtitiwala siya sa kanyang management team (Viva Artists Agency) sa mga plano nito sa kanyang career at kung bakit hindi pa sila ulit pinagpapareha ni James sa pelikula.

Paliwanag ni Nadine, “It’s different naman this time. Hindi naman puwedeng laging magkasama kaming dalawa (ni James). It’s also a stepping stone that you grow together and you grow apart. It’s nice enough na wala si James, at least I have my own.”

Si Sam ay best friend ni James kaya hindi nanibago si Nadine working with him sa Indak.

“Kasi sa experience ko naman po, with Carlo, although hindi kami close at first time kaming magkasama, pero naging okey naman. Ganun din kay Sam. It all depends sa tao kung alam mo naman na madali siyang makatrabaho.

“Saka, vocal naman si James sa pagsasabing idol niya si Sam, so I’m comfortable working with him,” sey pa ng aktres.

Malabo din daw na pagselosan ng boyfriend niya si Sam. Ibinahagi din ni Nadine kung ano ang mga natutunan niya kay Sam bilang total performer na magaling sa pagkanta at pagsayaw.

“Ako naman, natutunan ko kay Sam, to be yourself and to be comfortable with your body. Kaya ako naman, sobrang comfortable na ako with what I do,” sambit ng award-winning actress.

Sa Indak ay ginagampanan ni Nadine ang role ni Jen, isang dalagang taga-isla na may simpleng pangarap at magaling sumayaw. Sa tulong ni Vin, (Sam Concepcion), lider ng isang dance group, makukumbinsi  siyang abutin ang kanyang pangarap at sumali sa isang world dance competition.

Sa kanilang pagsasayaw, unti-unti rin nilang mahahanap ang Indak ng kanilang mga puso.

Aminado ang Kapamilya actress na dumaan siya sa napakahirap na training at choreography bago gawin ang Indak. Pero dahil na rin daw sa tulong ng G-Force kaya napagtagumpayan niya ito.

“Sa totoo lang, napakahirap gumawa ng isang dance movie. Saka, every time na nagre-rehearse kami ng production number talagang napakasakit siya sa katawan after the next day.

“Pero ako naman kasi, ibang klaseng adrenaline rush ang naibibigay sa akin ng pagsasayaw. So kahit napakahirap, alam mo iyon, very passionate kami at nag-eenjoy naman po kami,” huling pahayag ni Nadine.

Ang Indak na palabas na sa August 7 ay mula sa direksyon ni Paul Alexei Basinillo and produced by Viva Films.