• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre, game na makasama si Kathryn Bernardo sa isang proyekto

Nadine Lustre, game na makasama si Kathryn Bernardo sa isang proyekto

Para kay Nadine Lustre, okay naman silang magkatrabaho ni Kathryn Bernardo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/24/2019 11:01 AM
Nadine Lustre, game na makasama si Kathryn Bernardo sa isang proyekto


Isa ngayon sa mga tingitingalang aktres ng kasalukuyang henerasyon sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre at kadalasan ay napagkukumpara pa ang dalawa dahil sa kabi-kabilang pagsungkit nila ng acting awards.

Sa panayam naman ng ABS-CBN News kay Nadine, sinabi naman nitong payag siyang makasama si Kathryn sa isang proyekto kung mabigyan naman sila ng magandang materyal.

"Bakit naman po hindi, 'di ba? Kung mayroon namang magandang material para sa aming dalawa. I mean hindi naman kami (magka-away), okay naman po kami e hindi naman kami nag-aaway in real life. So I guess, okay naman," aniya.

Ngayong taon ay tatlong Best Actress awards na ang nasungkit ni Nadine at sinabi naman niyang nagkataon lamang ito.

"I guess maybe, it's my time lang now, I don't think it’s going to be forever like that. Like what I said before, iba-iba kami pero baka ngayon lang siguro 'yung moment ko, next time iba naman," ani Nadine.