Mga awitin ni Rey Valera, inihahanda para gawing musical

Nagbigay pahayag si Rey Valera sa magandang plano na ito sa kanyang mga awitin.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/24/2019 12:17 PM
Mga awitin ni Rey Valera, inihahanda para gawing musical


Photo credit: @starmediaentertainment on Instagram

Masayang ibinahagi ng veteran singer-composer na si Rey Valera ang magandang plano para sa kanyang mga awitin. 

Sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News kay Rey sa kanyang Beyond Timeline concert press con, inamin niya na niluluto na ang plano ng ito.

“Niluluto ‘yung project na ‘yun, nakakatuwa kung matutuloy, syempre nakaka (taba) ‘yun ng puso,” sabi ni Rey.

Bilang kompositor ng mga timeless hits, gaya ng “Pangako Sa’yo”, “Malayo Pa Ang Umaga” at “Maging Sino Ka Man” isa lang ang hiling ni Rey sa bumubuo ng planong musical.

“Ang tanging hiling ko lang, alam na naman nila ‘to, sa ano lang ako e’ sa makaluma lang ako na kung pwede kahit anong storya, wag na storya ko, kahit anong storya ang gawin nila, as long as iikot lang sa human nature, human factor, hindi ‘yung something religious, something political and spiritual,” aniya.

Hiling din niya na ilapit sa masa ang kuwento ng musical na siyang tagapakinig ng kanyang mga awitin.

“Para sa akin kasi ang magiging fan ng play na ‘yan ay mga masa pa din na kumita na ngayon ‘yung iba Mayor na ngayon, Senador na ngayon, may kanya kanya nang negosyo, pero by heart mga masa pa din sila,” sabi pa ni Rey.

“Sa akin lang, ‘wag niyo ilalayo sa masa ‘yun lang ang ibig ko sabihin,” pahayag ng singer.

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Rey sa “Tawag Ng Tanghalan” at abala na din sa concert Beyond Timeline concert kasama si Marco Sison at Dulce na handog ng echojam Entertainment.