Umabot na sa isang milyon ang Instagram followers ng TV host at komedyanteng si Melai Cantiveros.
Ibinahagi ni Melai ang magandang balita nitong Martes sa pamamagitan ng pag-repost ng stories mula sa ilang kaibigang nag-congratulate sa kanya sa nasabing milestone.
Kasalukuyang mapapanood si Melai bilang isa sa momshies ng morning talk show na Magandang Buhay at housemate-turned-host ng sikat na palabas na Pinoy Big Brother.
Bukod sa pagiging TV host, isa rin siyang active na YouTube vlogger. Ang kanyang official channel na pinamagatang Melason Official YouTube – kung saan matutunghayan ang kanyang daily life kasama ang asawang si Jason Francisco at kanilang dalawang anak na si Mela at Stela – ay may higit na sa 230,000 subscribers.