Melai Cantiveros, milyon na ang followers sa Instagram

Umabot na sa isang milyon ang Instagram followers ng TV host at komedyanteng si Melai Cantiveros.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/24/2019 1:23 PM
Melai Cantiveros, milyon na ang followers sa Instagram


Photo credit: @mrandmrsfrancisco on Instagram

Umabot na sa isang milyon ang Instagram followers ng TV host at komedyanteng si Melai Cantiveros.

Ibinahagi ni Melai ang magandang balita nitong Martes sa pamamagitan ng pag-repost ng stories mula sa ilang kaibigang nag-congratulate sa kanya sa nasabing milestone.

Kasalukuyang mapapanood si Melai bilang isa sa momshies ng morning talk show na Magandang Buhay at housemate-turned-host ng sikat na palabas na Pinoy Big Brother.

Bukod sa pagiging TV host, isa rin siyang active na YouTube vlogger. Ang kanyang official channel na pinamagatang Melason Official YouTube – kung saan matutunghayan ang kanyang daily life kasama ang asawang si Jason Francisco at kanilang dalawang anak na si Mela at Stela –  ay may higit na sa 230,000 subscribers.