• Home
  • Fresh Scoops
  • Marjorie Barretto, kinontra ang viral pics ng anak na si Julia at aktor na si Gerald Anderson

Marjorie Barretto, kinontra ang viral pics ng anak na si Julia at aktor na si Gerald Anderson

Naglabas ng mga ebidensya si Marjorie Barretto sa kaniyang Instagram post, na nagpapatunay na walang malisya ang kumakalat na mga bagong larawan ng anak na si Julia at aktor na si Gerald Anderson.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/25/2019 7:46 AM
Marjorie Barretto, kinontra ang viral pics ng anak na si Julia at aktor na si Gerald Anderson


Photo Credit: @marjbarretto @juliabarretto @andersongeraldj on IG

Muling ipinagtanggol ni Marjorie Barretto ang anak na si Julia, laban sa kasalukuyang kontrobersiya na kinakaharap nito ngayon, na sangkot din ang dating katambal na si Gerald Anderson. Ito ay ilang oras matapos kumalat sa social media ang mga larawan kung saan ay binibigyang kahulugan ang pagpunta ni Julia at Gerald sa isang hotel sa Subic, sa parehong araw.

Nagpost ng mga screenshots si Marjorie sa kaniyang Instagram kahapon, July 24, kung saan ay nagpapakita na walang malisya ang pagpunta sa naturang hotel nina Gerald at Julia.

"Subic movie shooting actor and actress Gerald Anderson and Julia Barretto," sabi sa isang screenshot na maaaring ay caption ng isang Facebook post noong April 12.

Kasunod nito, ay isang screenshot pa ng Instagram post ng Block Z Director na si Mikhail Red noong April 13, na maaaring isang patunay na hindi nagtagal ng isang araw si Julia doon - na isang araw matapos ang Subic shooting ay maaaring dumiretso si Julia sa GAMA Studio sa Makati para sa gawin naman ang pelikulang Block Z.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Let’s stick to the facts. Please swipe.

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto) on

"FACTS: April 12, 2019: Between Maybes shooting in Subic. Location: Sagara Villas. Each actor provided one room each as standby area with personal assistants, glam team, and production staff coming in and out of their respective rooms. April 13, 2019: BLOCK Z shoot in Gama Studio," caption ng unang larawan sa post ni Marjorie.

Nitong Linggo unang pumutok ang kontrobersiyal na isyu ng 'third party' sa pagitan nina Gerald at girlfriend na si Bea Alonzo. Nagsimula ito sa Instagram rant ng isang netizen na nagupload ng candid photo nina Julia at Gerald na magkasama sa isang party. Lalo namang pinag-piyestahan ito ng mga netizens nang makitang naka-like pa si Bea sa naturang post.

 

 

Ilang araw matapos ang sunud-sunod na online posts at balita tungkol dito, dinipensahan naman si Julia ng kaniyang inang si Marjorie at kapatid na si Dani sa kani-kanilang social media accounts. Dito ay ibinahagi ni Marjorie ang planong legal na kasuhan ang naturang netizen na unang nagpost ng malisyosong larawan.

READ: Marjorie Barretto speaks up on rumors linking daughter Julia to Gerald, actor agrees to being ‘misjudged’

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang kampo nina Bea, at Gerald ukol sa isyu.