• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Vance Larena, aminadong nasa-star struck pa din sa co-star na si Arci Muñoz

EXCLUSIVE: Vance Larena, aminadong nasa-star struck pa din sa co-star na si Arci Muñoz

Matagal na daw na fan ni Arci Muñoz si Vance Larena.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/24/2019 1:42 PM
EXCLUSIVE: Vance Larena, aminadong nasa-star struck pa din sa co-star na si Arci Muñoz


Photo credit: @ramonathornes on Instagram (L)/ @ABSCBN_Showbiz on TW

Tatlo na ang pelikulang natapos ng dating lead actor ng critically-acclaimed movie na Bakwit Boys na si Vance Larena. Ayon sa kuwento ng binate na ngayon ay napapanood sa morning series ng ABS-CBN na Nang Ngumiti Ang Langit tapos na niyang gawin ang Resbak ni Direk Brillante Mendoza, Dead Kids ni Mikhael Red, at Open ni Andoy Ranay.

Ang Open ay isa sa 10 pelikula na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino na ipapalabas sa sa September. Kasama ni Vance sa pelikula sina JC Santos at ang sexy star na si Arci Muñoz.

Inamin ni Vance na matagal na niyang hinahangaan ang co-star na si Arci bago pa man siya nagsimulang umarte sa pelikula at TV.

“Pag napapanood ko siya sa TV o sa movie, yung Always Be My Maybe niya, tapos yung teleseye nila ni Piolo Pascual, hangang-hanga po ako sa kanya. Tini-tweet ko pa nga po siya minsan.

“Tapos nung nagkaroon po kami ng pagkakataon na magkatrabaho, pinapakita ko pa po sa kanya yung mga tweets ko dati na pinost. Sabi ko fan na fan niya po ako. Tuwang-tuwa naman po siya kasi mukha daw po akong tanga. Hahaha! Nakatrabaho ko na daw siya bakit daw ganun pa ako,” natatawang kuwento sa PUSH ni Vance.

Nung makaharap daw niya personally si Arci at nakasama sa mga eksena ay hindi pa rin maiwasang ma-star struck siya sa dalaga.

“Pag sa set kasi, siyempre magkaiba kami ng tent, tapos kapag nando’n na siya, alam mo yung nare-refresh yung pagka-fan ko sa kanya, so pagkapunta mo ng set at nakaeksena mo siya, mai-star struck ka ulit, tapos kakausapin ka niya.

“Very down to earth si Arci. Nagsi-share din siya ng mga wisdom niya, yung knowledge niya about the industry, humble beginnings niya, kung paano siya nagsimula at na-appreciate ko po yon,” lahad ni Vance.

Eh, kumusta naman siya bilang co-actor sa Open?

“Very generous po siya. Generous actress siya. Siya yung tipong tao na gusto niya ding maging maganda yung itsura ng co-actor niya kasi importante po yon sa artista, eh. Yung you want to make your co-actor look good instead of yourself para magkaroon kayo ng magandang eksena.

“Hindi siya madamot, tapos napakahusay niyang artista,” description niya kay Arci.

Na-intimidate ba siya sa aktres?

Sagot ni Vance, “Hindi po. Mas na-star struck ako sa kanya imbes na ma-intimidate. Very welcoming kasi siyang tao, eh.

“Kapag dumadating siya, bumebeso siya. Kasi mararamdaman mo yon, eh, kapag welcoming yung tao, kapag hindi, kapag gusto kang kausap ng tao, kapag hindi.

“Siya kasi, every time na makakausap mo siya hindi lang siya yung isang beses mabait, every time mabait siya. Consistent siya kapag nagkikita kami,” kuwento pa ni Vance sa interbyu ng PUSH.