• Home
  • Fresh Scoops
  • Carlo Aquino, nagbigay ng update sa proyekto kasama si Maine Mendoza

Carlo Aquino, nagbigay ng update sa proyekto kasama si Maine Mendoza

Ramdam ni Carlo Aquino ang pananabik sa bagong proyekto na handog niya sa kanyang mga taga suporta.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/24/2019 12:13 PM
Carlo Aquino, nagbigay ng update sa proyekto kasama si Maine Mendoza


Photo credit: @mainedcm on Instagram (L)

Pinagkaguluhan si Carlo Aquino sa naging personal appearance nito sa kanyang product endorsement sa Beautèderm. 

 

Dito, ramdam ni Carlo ang walang kupas na suporta sa kanya ng mga fans na mga excited na din sa kanyang upcoming project kasama si Maine Mendoza na Isa Pa With Feelings.

READ:Carlo Aquino teams up with Maine Mendoza in new Black Sheep movie

“Naga-ano na kami nagwo-workshop na kami. May mga sorpresa kami inihahanda para sa inyo lahat doon sa movie. Mag-start kami first day next week or next next week,” aniya sa panayam.

Aminado si Carlo na nagkaroon ng ilan fan factor sa pagitan nila ni Maine sa mga unang araw na nagkasama sila.

Pero, ngayon masaya si Carlo na kampante na sila sa isa’t isa.

“Sobrang fun although nung first days nung presscon nag-meet ulit kami medyo may awkwardness. Pero after that naman sobra saya kasama at very accomodating,” pagbabahagi pa ni Carlo.

Inaasahan na mapapanood ang Isa Pa With Feelings sa huling bahagi ng 2019.