• Home
  • Fresh Scoops
  • Alamin kung bakit ina-advise ni Dawn Zulueta ang pag-gain ng kaunting weight habang tumatanda

Alamin kung bakit ina-advise ni Dawn Zulueta ang pag-gain ng kaunting weight habang tumatanda

Dawn Zulueta: ‘Habang tumatanda ka, dapat nage-gain ka ng kaunting weight.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/24/2019 12:28 PM
Alamin kung bakit ina-advise ni Dawn Zulueta ang pag-gain ng kaunting weight habang tumatanda


Sa Tonight with Boy Abunda, may kakaibang beauty advice ang timeless beauty na si Dawn Zulueta. 

Ayon kay Dawn isa sa dahilan kung bakit maganda siya at any age ay nage-gain siya ng kaunting weight habang tumatanda siya. “I think nakakatulong yung habang tumatanda ako, I’m putting on some weight. But I’m doing it quite slowly so parang nagpi-fill in yung mga lines mo,” ani Dawn.

“Habang tumatanda ka, dapat nage-gain ka ng kaunting weight. Pero konti lang para nang sa ganun yung mga linya mo medyo umaangat,” pag-uulit pa ni Dawn. 

Ayon sa kanya, ang pag-gain ng kaunting weight ay nakaka-kontra sa pag-sag ng skin at muscles habang tayo ay tumatanda. “It’s true. And because as we age, yung muscles natin, yung skin natin nagsa-sag di ba. Pero ‘pag nage-gain ka ng kaunti lang, yung tama lang, aangat pa rin yan. Nakakaroon ng volume,” paliwanag ni Dawn. 

Nag react rin ang batikang host na si Boy Abunda sa advice ni Dawn. “Makes sense…I’ve been doing it wrong!” ani Boy.

Ganundin kailangan daw i-embrace ang mga linya na lumalabas sa mukha dahil part din ito ng aging process. “We should be proud of the aging process. We should really embrace it. Every line na lumalabas sa mukha mo tanda yan e… badge!” 

READ: Dawn Zulueta’s top secret on how to stay beautiful: ‘Di ako nagtatanim ng sama ng loob’

Dream role ni Dawn ang maging superhero at maging aswang. Malapit na rin ipalabas ang movie niya na may title na Family History.