Yassi Pressman, may ipinapatayong business sa Siargao

Isang mainit na salubong ang natanggap ni Yassi Pressman mula sa kanyang fans matapos bumisita sa Siargao para sa kanyang bagong business.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/23/2019 2:04 PM
Yassi Pressman, may ipinapatayong business sa Siargao


Photo credit: @yassipressman on Instagram

Isang mainit na salubong ang natanggap ng aktres na si Yassi Pressman mula sa kanyang fans matapos bumisita sa Siargao nito lamang nakaraang linggo.

Sa Instagram nitong Martes, nagbahagi ang "FPJ's Ang Probinsyano" star ng isang bidyo kung saan nakikipag-halubilo siya sa kanyang mga taga-suporta roon at sinabing "miss" na niya kaagad ang mga ito. 

Ang nasabing bidyo ay kuha sa bahay ng isang ginang na masayang pinatuloy si Yassi at ang kanyang team matapos na kinailangang huminto sa kanilang malayong byahe papuntang airport. 

"Salamat po sainyong lahat, lalo na ang bahay na ito, medyo malayo po ang byahe papuntang airport mula sa main area sa [General Luna] at kinailangan namin tumigil," aniya. "Napakabait ninyo po 'nay, pinapasok niya po ako and gave me water, hugs and crackers!"

Ayon kay Yassi, sa ganitong mga panahon niya mas lalong nararamdaman ang halaga ng kanyang trabaho bilang artista. 

"Sabi ng kaibigan ko, tumawag pa daw siya sa kamag-anak niya sa abroad at umiyak at sinabing bumisita kami. 

"Moments like this make me remember that what we have is waaaaaaay more than just a 'job'. To be able to touch people like that makes me cry. I don't know why we recieve so much love, but we're so so so lucky to have you all. Hahanapin ko po 'tong bahay na 'to sa pagbalik ko," aniya.

Nasa Siargao si Yassi upang asikasuhin ang kanyang kasalukuyang pinapatayong business sa nasabing island: ang Zicatela, isang Mexican-inspired resto bar.