• Home
  • Fresh Scoops
  • Vitto Marquez, nag-react sa madalang na paglabas ng Hashtags sa ‘It’s Showtime’

Vitto Marquez, nag-react sa madalang na paglabas ng Hashtags sa ‘It’s Showtime’

May payo kay Vitto Marquez ang kanyang inang si Alma Moreno para sa kanyang dance movie na ‘Indak.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/23/2019 10:56 AM
Vitto Marquez, nag-react sa madalang na paglabas ng Hashtags sa ‘It’s Showtime’


Photo credit: @hashtag_vitto on Instagram

Aminado ang member ng Hashtags na si Vitto Marquez na nabawasan na ang exposure nila sa noontime show na It’s Showtime pero naiintindihan niya naman daw kung bakit ito nangyari. Naniniwala din siya na may positibong epekto sa grupo ang nangyari.

“Ako, personally ha, I think it’s better for the group. Kasi we have more time to have more rehearsals, to complete a really perfect production number. Kasi ako naninwala pa rin ako sa Hashtags na kaya namin.

“Paano namin ia-uplift ulit ang name ng Hashtags – it’s by dancing. Ako mismo, I do extra curricular activities para lang gumaling ako, not only on dancing but on hosting, acting, singing, para kung saan ako ilagay puwede. And siyempre, yung mga kagrupo ko naman, I can’t control them, but they are really good friends of mine.

“Sabi ko lang, ‘Gawin mo ‘to kasi it’s for you.’ Pag ginawa mo yan para sa sarili mo, makakabuti yan sa grupo, aangat lahat, tulungan lang,” mahabang paliwanag ni Vitto na isa sa cast ng pelikulang Indak na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Isa rin daw sa dahilan kung bakit madalang ng makita sa It’s Showtime ang Hashtags ay dahil busy na ang karamihan sa members nito.

Ani Vtito, “Kasi siyempre, may sari-sarili kaming mga trabaho, mga raket, di ba? Ano ba career path ni Jameson (Blake), ano ba ang career path ni McCoy (de Leon)?

“Kasi everyone started in Hashtags, yon yung root namin. Pero paano kami magba-branch out sa iba’t ibang fields, yon ang hindi namin makokontrol kaya yon ang nangyayari ngayon.

“Si Jameson may movies na, may love team. Si McCoy sobrang galing sa drama. Si Ronnie (Alonte), nagteteleserye din. Ako naman sa dance film. I mean, you can’t control it naman.”

Hindi naman siya naniniwala na dahil sa pagsulpot ng mga BidaMan finalist sa show kaya sila nawalan ng exposure.

“Ako kasi, wala sa ugali kong magselos. Kasi siyempre, everyone has been given the opportunity to show their talent sa Showtime, di ba?” matipid niyang reaksyon.

Hindi rin naman daw exposure lang ang habol niya sa Showtime.

“Sinasabi nila na gusto kong magka-exposure, na parang gusto ko lang daw sumikat. Ako hindi, I have fun with what I’m doing. And being in front of the camera is my joy, nae-express ko yung sarili ko nang maayos.

“I may not get all the blessings that I can have but – let’s just na meron siyang fancy t-shirt at ako may simpleng t-shirt na puti, ang difference lang natin is mas mahal yung sa ‘yo pero parehas tayong naka-t-shirt.

“Kasi once you aim for fame, talo ka na. Kasi siyempre, paano ka makakarating sa taas na wala kang tinatapakan, dadaanan mo muna lahat ng dumi and that’s what I believe in. Para ma-feel mo na kada akyat mo sulit take the stairs not the elevator,” katwiran ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Hashtag Vitto na magiging bahagi siya ng Indak.

“Actually, nung narinig ko po na part ako ng film hindi ako naniwala nung una, kasi maraming mas magaling sa aking sumayaw, ah, bakit ako? Sabi nila, ‘we believe in you, kaya mo yan.’ So, umangat ang confidence ko, pinush ko,” ani Vitto.

Binigyan din daw siya ng advice ng mommy niya pagdating sa pagsayaw sa pelikula.

“Sabi lang niya, basta tandaan mo, pag sumasayaw ka huwag mong pakialaman yung itsura ng mukha mo. You have to feel the music going to your brain, to your heart, sa katawan mo. Naniwala ako, so wala kong pogi shots sa film,” lahad niya.

Showing na ang Indak simula August 7. The film is produced by Viva Films and directed by Paul Basinillo.