• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Ang muling pagtatagpo ni Ryan Bang at trending Korean Jinho Bae

PANOORIN: Ang muling pagtatagpo ni Ryan Bang at trending Korean Jinho Bae

Muling nagkita sa ‘It’s Showtime’ studio si Jinho Bae at Ryan Bang.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

7/23/2019 2:35 PM
PANOORIN: Ang muling pagtatagpo ni Ryan Bang at trending Korean Jinho Bae


Matapos maging number 1 trending topic online noong Biyernes, nang ito ay maging kalahok sa ‘Kaparewho’ segment ng  It’s Showtime, ay bumalik ang trending Korean national at Youtuber na si Jinho Bae at muli silang pinagharap ni Ryan Bang ng host na si Vice Ganda. 

WATCH: Ryan Bang at Jin Ho Bae, pinagharap ni Vice Ganda sa It’s Showtime!

Sa kanilang pagkikita ay madalas na inaasar ng iba pang hosts si Ryan na si Jinho na ang papalit sa kanya at ‘katapusan’ na niya.

Masaya naman si Jinho na nakabalik siya bilang guest co-host at nilinaw off-cam na walang isyu sa kanila ni Ryan. Nagpasalamat pa ito sa kanya at sinabing siya ay ang kanyang ‘forever inspiration.’

 

“Salamat po. I’ll always remember this moment and will humble myself,” dagdag ni Jinho.