• Home
  • Fresh Scoops
  • Nora Aunor, Tirso Cruz III, at Boyet De Leon reunion project naudlot

Nora Aunor, Tirso Cruz III, at Boyet De Leon reunion project naudlot

Tirso Cruz III at Christopher de Leon, pinalitan nina Phillip Salvador at Michael de Mesa sa Nora Aunor movie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/23/2019 10:45 AM
Nora Aunor, Tirso Cruz III, at Boyet De Leon reunion project naudlot


Magsisimula na ang syuting ng bagong pelikulang pagbibidahan ni Nora Aunor sa Heaven’s Best Entertainment titled Isa Pang Bahaghari na ididirek ni Joel Lamangan.

Isa-submit ang finished film for consideration para sa 2019 Metro Manila Film Festival and hopefully ay makapasok ito.

Makakasama dapat ni Nora sa Isa Pang Bahaghari sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III. Kaya lang, sa huling balita ay out na ang dalawa sa project ng multi-awarded actress.

Hindi raw kaya ng schedule nina Pip at Boyet ang shooting dahil may mga previous commitments na ang dalawa.

Bukod sa pagiging abala sa The General’s Daughter ng ABS-CBN ay may out of the country engagement daw si Pip ayon mismo sa asawa nitong si Lyn Ynchausti- Cruz. May conflict naman sa shooting schedule ng isang malaking pelikula si Boyet kaya hindi rin siya pupuwede.

Samantala, nakahanap na rin agad ng ipapalit ang Heaven’s Best Entertainment kina Christopher at Tirso. Tinanggap na raw ni Phillip Salvador ang project with Nora.

Unang nagkasama sina Guy at Ipe sa pelikulang Bona ni Lino Brocka. Nasundan pa ito ng isa pang Brocka film, ang Nakaw Na Pag-Ibig kasama si Hilda Koronel.

Sa ikatlong pagkakataon ay muling nagtambal ang dalawa sa adapted komiks material na Tinik Sa Dibdib na idinirek naman ni Leroy Salvador kasama sina Eddie Garcia, Pilar Pilapil at Dina Bonnevie.

Bukod kay Phillip, kasama na rin daw sa Isa Pang Bahaghari si Michael de Mesa na abala naman sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.