Kakai, hindi apektado sa kanyang bashers

Hindi apektado si Kakai Bautista sa bashing na natatanggap niya dahil sa closeness nila ng kanyang movie co-star Alden Richards.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/23/2019 1:59 PM
Kakai, hindi apektado sa kanyang bashers


Photo credit: @ilovekaye on Instagram

Hindi raw apektado ang komediyanteng si Kakai, o Catherine Bautista sa totoong buhay, sa bashing na natatanggap niya dahil sa closeness nila ng kanyang "Hello, Love, Goodbye" co-star na si Alden Richards.

Ito ang matapang na sagot ng Kapamilya star sa isang netizen na nagsabing dapat siyang humingi ng tawad sa mga fans na kanyang na-offend sa kanilang espesyal na pagkakaibigan ng aktor.

"If you know you're hurt people, an apology is much appreciated," ani ng nasabing netizen sa isang tweet nitong Lunes.

"You're in a world where every action means a lot. Even if you're friends, you have to put a limit to how far [you] would go for fun. Some might get disappointed, some might enjoy it. It wouldn''t hurt to say sorry."

Resbak naman ng aktres, "I never asked apology from people who have bashed me and call me names, who have judged me for being ME, because it makes them HAPPY to just be so familiar with a stranger."

"You never say sorry for being HAPPY. TO EACH HIS OWN," dagdag niya.

Sa hiwalay na tweet, sinabi ni Kakai na hindi kailanman siya magpapa-kontrol sa kanyang mga bashers. "I bring food to my table, I will not get limitations from you," aniya. 

 

Bago pa man nito ay nag-tweet na si Kakai patungkol sa negative comments na natatanggap niya dahil kay Alden.

 

 

Kasalukuyang busy ang dalawang aktor sa pag-promote ng "Hello, Love, Goodbye" na nakatakdang ipalabas sa sinehan itong Hulyo 31.