• Home
  • Fresh Scoops
  • Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Raymond Bagatsing, at Beauty Gonzalez, bibida sa bagong psychological horror movie

Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Raymond Bagatsing, at Beauty Gonzalez, bibida sa bagong psychological horror movie

Aabangan sina Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Raymond Bagatsing, at Beauty Gonzalez sa bagong psychological horror movie ng Star Cinema sa darating na Halloween.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/23/2019 11:46 AM
Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Raymond Bagatsing, at Beauty Gonzalez, bibida sa bagong psychological horror movie


Umattend ng story conference at scrirpt reading ang apat na bibida sa bagong psychological horror movie ng Star Cinema, ang A Family Ghost Story na sina Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Beauty Gonzalez. at Raymond Bagatsing. 

"It's about the story of two different families na tumira sa isang bahay na pagdating nila doon, they're being haunted at ginugulo sila ng iba't ibang evil. And then ang kailangang abangan natin dito ay how these families deal with it," kuwento ng direktor na si Bobby Boni. 

Ayon din sa direktor, ang proyektong ito ay unang naka-plano bilang iWant digital movie. "The original concept ay para ilagay sa iWant na platform. Nung nabasa ng management, this would be good for a theatrical release," sabi niya. 

 

Para kay Beauty, isang challenge ang mapasama sa csat ng isang horror movie. "Challenge talaga ang [umarteng] takot at manakot. So it's gonna be like a psychological horror so kakaibang acting to kumbaga, talagang labasan ng acting to," sabi ni Beauty na sinang-ayunan din ni Raymond. 

Sa ngayon wala pang eksaktong date ng playdate ang pelikula, pero nakatakdang ilabas ito sa araw ng Halloween.