Andrea Brillantes, plano na magpatayo ng bahay

Tuloy ang pagiipon ni Andrea Brillantes para mai-patayo ang pangarap na bagong bahay para sa pamilya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/23/2019 11:52 AM
Andrea Brillantes, plano na magpatayo ng bahay


All smiles at proud na naibahagi ng Kadenang Ginto star na si Andrea Brillantes ang kanyang plano para sa kanyang pamilya.

Sa edad na 16-years-old, plano na ngayon ni Andrea na mag patayo ng bahay para sa kanyang pamilya.

“Magpapatayo po ako ng bahay, so doon ko po lahat inilalagay ang lahat ng pinaghihirapan ko,” kuwento ni Andrea sa launching ng Brilliant Skin kung saan siya ang bagong ambassador.

Bukod sa pagdating ng mga bagong endorsement, malaki din ang pasasalamat ni Andrea sa kanyang mga followers na todo ang pagsuporta sa kanyang mga ginagawang proyekto.

Isa ang Kadenang Ginto star ngayon sa mga most followed YouTube star ng Pilipinas kaya naman, doble ingat din si Andrea sa pagbahahagi sa kanyang social media accounts.

“Siyempre nakaka pressure, kasi open sa lahat ‘yung pino-post mo, so dapat dahan-dahan at pag iisipan mabuti kung makakatulong ba, or mag cause lang ng gulo,” sabi pa niya.

“Pero masaya din, makikita mo ang lahat followers mo, makikita mo lahat nag mamahal sayo,” patuloy pa ni Andrea.

At sa kanyang murang edad, may sariling paraan din si Andrea para hassle free sa pag-iisip ng kanyang mga gastusin.

“Actually, hindi ko inaalam ang mga presyo. Bilang bread winner, nape-pressure ako pag alam ko ang prices kung nalalaman ko kung magkano ang dapat kong bayaran, kung magkano ba ang mga utang ko, mga ganun,” masayang kuwento ni Andrea.

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Andrea sa Kadenang Ginto.