• Home
  • Fresh Scoops
  • Kean Cipriano, natakot mawalan ng trabaho matapos maging reliever si Bayani Agbayani

Kean Cipriano, natakot mawalan ng trabaho matapos maging reliever si Bayani Agbayani

Ayon sa singer na si Kean Cipriano, kinabahan siya ng todo nang maging positive ang response ng audience sa ‘reliever’ niyang si Bayani Agbayani sa ‘I Can See Your Voice.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/22/2019 9:00 AM
Kean Cipriano, natakot mawalan ng trabaho matapos maging reliever si Bayani Agbayani


Sa Gandang Gabi Vice, nagkwento ang I Can See Your Voice sing-vestigators na sina Kean Cipriano, Wacky Kiray, KaladKaren Davila at Bayani Agbayani kung paano naging isang mainstay sing-vestigator si Bayani. Hindi kasi sing-vestigator si Yani sa season one and two ng music game show. 

Kwento ni Kean, nag-absent siya noon kaya ginawang reliever niya si Bayani. 

“Sabi ko mawawalan ako ng trabaho, si Bayani Agbayani yung pumalit,” ani ng lead singer ng bandang Calla Lilly. 

Matapos daw noon ay nag-decide na ang pamunuan ng music game show na gawing regular na sing-vestigator si Yani.

READ: Bayani Agbayani excited to work again as a Kapamilya

Saka nung dumating si Kuya Yani mas lalo pa kaming bumongga,” papuri naman ni Wacky kay Bayani. 

Kwento pa ng mga GGV guests na madalas absent sina Kean at Angeline Quinto dahil panay ang raket.  

“Raket sila nang raket, sila ni Angeline. So ang daming pera, (pero) ‘pag kumakain kami sa labas si Andrew E ang nagbabayad,” pabirong kwento ni Bayani. 

Ni-reveal din ng sing-vestigators ang mga totoo nilang pangalan sa GGV. Si Karen ay si Jervi Ryan Lisaba sa totoong buhay. Si Kean naman ay Kean Edward Cipriano ang full name. Si Wacky Kiray ay si Ricardo Balarosa Jr; habang si Vice ay Jose Marie Borja Viceral ang full name. 

Rebelasyon naman ni Bayani, siya ay si Bayani Rogacion Jr. “Isipin mo kung Mando ang naging first name ko,” ani pa ni Yani.