Kathryn Bernardo aminadong malambot ang puso sa mga aso

Kathryn Bernardo, ipinagtanggol minsan ang isang aso na hindi safe ang kinalalagyan.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/22/2019 9:05 AM
Kathryn Bernardo aminadong malambot ang puso sa mga aso


Photo credit: @bernardogcath on Instagram

Sa Rated K, proud na pinakilala ni Kapamilya star Kathryn Bernardo ang kanyang mga dogs na sina Cloud, Tala at Pablito.

Si Cloud ay isang five-year-old Golden Retriever. Si Tala naman na laging kasama ni Kathryn sa kanyang Instagram stories at photos ay isang Samoyed; habang si Pablito ay isang Pomeranian. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Kisses from us and momma💋 happy weekend!

A post shared by @ bernardogcath on

 

Kwento ni Kathryn, seven lahat ang aso niya pero ang kasama niya sa kwarto kapag natutulog siya ay sina Cloud, Tala at Pablito. “Kasama ko sila sa room, kasi duwag ako… Sa kama (si Pablo), sa tapat ng aircon yung dalawa,” ani Kathryn. 

Spoiled rin kay Kathryn ang kanyang mga pets. “Super, I treat them like my own, like my babies,” dagdag niya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy father’s day tatay! ❤️❤️

A post shared by @ bernardogcath on

 

Nakikipag-lips to lips din si Kathryn sa mga alaga niya at sinusubuan pa niya ang mga ito gamit ang kanyang spoon and fork. “Yes po. Yung spoon and fork ginaganun ko sila after. Hindi ako maarte ‘pag sa kanila,” sabi ni Kathryn.  

“Growing up, may mga dogs talaga sa bahay. As in marami,” kwento pa ng aktres. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My mom’s a weirdo. 🤷🏼‍♀️ sorry, don’t wanna speak today mom 🤪

A post shared by @ bernardogcath on

 

Malambot din ang puso ni Kathryn para sa lahat ng mga aso. Kaya kapag may naabusong aso ay to the rescue rin si Kathryn. 

“May isang location kami, hindi kasi safe kung saan nilagay yung aso. So sinabihan ko yung may-ari,” ani Kat.

“Sabi ni Mama, baka ma-offend daw yung may-ari. Pero sometimes kasi kulang sa pagiging responsible po yung mga dog owners po natin,” pagpapatuloy ni Kathryn.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Afternoon date with glama ❣️

A post shared by @ bernardogcath on

 

Pero paano nga ba ni Kat nabibigyan pa ng oras ang mga alaga niya kahit na super busy ng schedule niya? 

“Binibigyan ng time. Lahat sila pagdating ko ng bahay sasalubong sila. Yan yung magpapaalis ng stress ko talaga,” ani Kathryn. 

Nang mag-shoot rin daw si Kathryn ng almost one month sa Hong Kong para sa pelikulang Hello Love Goodbye ay kinakausap ni Kathryn ang mga doggies niya. “Ka-Facetime ko sila,” rebelasyon ni Kathryn.