Javi Benitez, aabangang action star

Miyembro ng Star Magic Circle 2019, sasabak na sa una niyang teleserye si Javi Benitez, bilang bagong kakampi ni Angel Locsin sa The General's Daughter.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/22/2019 1:07 PM
Javi Benitez, aabangang action star


Sa naganap na isang intimate interview kasama ang ilang press noong July 16, masayang ibinalita ng Star Circle 2019 member na si Javi Benitez na kasama na siya sa top rating teleserye na The General's Daughter. Naipalabas na ang unang eksena niya sa telebisyon kaya't kilig si Javi sa pagkwento sa kanyang experience sa taping kasama ang mga bida ng soap.  

"My very first TV role ... tapos yung unang eksena ko kasama si Angel Locsin, si tito Albert (Martinez) tsaka si Pau (Paulo Avelino) and yung unang scene namin interrogation," pagbabahagi niya. Isa raw siyang tech guy dito at may pagka-geek. 

Aside sa kanyang pagbibida sa TV, busy rin ngayon ito sa action film na titled Kid Alpha One, sa pangunguna ng We Will Not Die director na si Richard Somes. Sixty percent done na daw ang pelikula na kinukunan sa Negros Occidental, kung saan nanilbihan ang kanyang amang si Albee Benitez bilang congressman. 

Sinubukan daw ni Javi na mag-corporate world pagkatapos ng kolehiyo, pero showbiz na talaga ang naging calling niya. In fact, 13 years old pa lang ang aktor nang maging TV host siya ng Sports Kids, isang programa na 'for kids by kids' sa Studio 23 noon. 

"Acting is more than being on stage, It's more complicated than that kasi yun emotions mo, yun past experiences ko, I need to express, sobrang interesting niya," sabi pa nito.    

Idol din ni Javi si Lito Lapid pagdating sa pagiging action star. Sabi pa nito ay humanga siya sa veteran actor dahil, "siya kasi gumagawa ng mga stunts niya. Sobrang liksi pa din niya... sobrang idol ko siya." 

Bukod sa training sa arnis, gun shooting at martial arts ng 4-5 months para sa kanyang role, maraming challenges din na na-encounter ang binata, tulad na lang ng ilang fight scenes at environment ng kanilang set. 

"Pinaka mahirap? I think yun fight scenes, Mahirap din yun usok sa labas, sobrang init, like I had to blow my nose three to four times the next day kasi andun pa din yun usok. Pero if you enjoy it, worth it. Every scene, kami ni direk Richard, after we see it, kapag maganda, sumisigaw kami, na ha-hype kami. It doesn't feel like working eh," paliwanag niya.  

Marami din daw pangarap na leading lady si Javi, pero sa ngayon ay kuntento siya sa unang kapareha niya sa pelikula na si Sue Ramirez. 

"She's talented. Biggest bonus is Ilongga siya ... wala siya arte, may pagka-rock star din siya," paglalarawan niya kay Sue.    

Nang tanungin kung wala ba siyang ambisyon sumunod sa yapak ng kanyang ama, sinabi ni Javi na wala sa plano niya ngayon ang pagiging pulitiko.