• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Daddy ni Kathryn Bernardo, masaya sa pairing ng aktres kay Alden Richards

EXCLUSIVE: Daddy ni Kathryn Bernardo, masaya sa pairing ng aktres kay Alden Richards

Full support ang ama ni Kathryn Bernardo na si Ted sa kanyang bagong pelikulang ‘Hello Love Goodbye.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/22/2019 9:40 AM
EXCLUSIVE: Daddy ni Kathryn Bernardo, masaya sa pairing ng aktres kay Alden Richards


Sa EXCLUSIVE interview ng PUSH kay Kathryn Bernardo, sinabi ng Kapamilya star na nagulat siya na makita ang kanyang ama sa Hello Love Goodbye concert noong Sabado, July 20 sa SM North Edsa Skydome. 

 

“Oo hindi naman siya sumasama e, pero nasa bahay talaga siya. Minsan lang yun sumasama,” ani Kathryn. 

Full support si Daddy Ted kay Kathryn na nasa front row pa kasama ang kapatid at pamangkin ni Kathryn. Present rin syempre ang kanyang inang si Min, na laging kasama ni Kathryn sa kanyang mga engagements. 

 

READ: How Kathryn Bernardo, Alden Richards prepared for their roles in ‘Hello, Love, Goodbye’

Hindi daw pinaalam ni Daddy Ted kay Kath na sasama siya sa concert. 

“Actually hindi. Kaya nung nakita kami sa harap gulat na gulat,” kwento pa nito.  

Ano naman kaya ang reaksyon niya dahil sa maraming nagsasabi na napakagaling ni Kathryn sa Hello Love Goodbye? “Siguro, sana. Para umpisa na uli nung magandang pick-up…” ani pa ni Daddy Ted. 

Masaya rin siya sa nauusong crossover pairings ng mga artista. 

“Mas gusto ko yun, walang tie-up (na love team) para mas masaya. Mas maraming fans na masaya,” dagdag pa niya.  

Maraming nakapansin na iba rin ang glow at confidence ngayon ni Kathryn kaya’t nang tanungin siya ng PUSH tungkol dito, nagpasalamat ang aktres. 

 

“Really? Thank you! Di ko nga napansin. Siguro sabi ko nga parang nabuo kasi ako sa movie na ito. And ewan ko masaya ako e, kaya siguro yun ang lumalabas,” sambit niya.  

WATCH: Kathryn Bernardo, kampante sa binigay na proyekto kasama si Alden Richards

“Dami palang nakapansin no, pero hindi ko talaga sinasadya yun,” rebelasyon ni Kath.