• Home
  • Fresh Scoops
  • Christian Bables inaral ang ugali ni Vice Ganda para sa role niya sa ‘The Panti Sisters’

Christian Bables inaral ang ugali ni Vice Ganda para sa role niya sa ‘The Panti Sisters’

Idol ng karakter ni Christian Bables si Vice Ganda at aminado ang aktor na na-challenge siya dito.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/22/2019 9:22 AM
Christian Bables inaral ang ugali ni Vice Ganda para sa role niya sa ‘The Panti Sisters’


Photo credit: @praybeytbenjamin on Instagram (L)

Hindi pa-demure ang bagong karakter ni Christian Bables sa comedy film na The  Panti Sisters na katulad ng pinortray niya noon bilang si Barbs sa Die Beautiful. Ayon sa actor, baklang kalye at  barubal siya sa The Panti Sisters.

Idol daw ng karakter niya si Vice Ganda at aminado si Christian na nahirapan siyang gawin ito.


“Inaral ko si Ms. Vice Ganda, anong mga qualities niya ang dapat i-idolize. Then I ended up crying and laughing,  ibang klaseng tao si Ms. Vice.

“Nung inaaral ko si Ms. Vice, grabe. I’ve been a huge fan of her humor, pero mas minahal ko yata siya ngayon. Ibang klase siyang magmahal sa nanay. Ibang klase yung paninindigan pagdating sa pinaniniwalaan, ang galing,” kuwento ni Christian sa PUSH.

Patuloy niya, “Before hindi ko napapansin yung ganyan ni Ms. Vice, pero nung inaral ko siya mas sinaluduhan ko siya. Kaya pala siya nakarating sa ganyang estado dahil ang galing ng kanyang pagkatao.”

Nilinaw na rin sa PUSH ni Christian ang isyu na diumano’y ayaw na niyang tumanggap ng gay roles.

“I think this is the right time for me  to answer the tsismis na I won’t be doing gay roles anymore daw. I never said that. Kahit saang interview, kahit saang video recorded tape wala akong sinasabing ganun at never kong sasabihin yon dahil hindi ko gagawin yon,” paglilinaw ng aktor.

Dagdag pa niya, desisyon daw ng kanyang management na habang ginagawa niya ang teleseryeng Halik sa ABS-CBN ang huwag munang tumanggap ng bading na karakter.

“It was my management's decision  na hindi muna tumanggap ng gay role for that time being lang. Ibang klaseng LGBT karakter yung pinoportray ko sa Halik – closet si Barry. We’ve decided na hindi muna tumanggap ng loud gay character. Magkaiba yung 'hindi muna' sa 'hindi na,'” sabi pa niya.

Kasama ni Chrisian sa The Panti Sisters si Martin del Rosario at Paolo Ballesteros na nakatrabaho niya sa Die Beautiful. Paano ba nila iniiwasan ang magsapawan sa mga kwelang eksena sa pelikula?

Sagot ni Christian, “Kagaya siguro ng ginawa namin sa Die Beautiful which is effective, walang sapawan. Tao lang kami, we’re just living our characters and that’s enough. 

“Yung conscious effort na, ‘ah, kailangan kong galingan kasi kailangan kong mag-stand out,’ wala, eh. Ano yon, eh, hindi ugali ng isang aktor.  And I’m very lucky to be working with this crew, mga aktor po kasi sila kaya alam nila ang tamang bigay at tamang tanggap,” huling pahayag niya sa PUSH interview.