• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo, ibinahagi ang dahilan ng cameo role sa ‘Kadenang Ginto’

Bea Alonzo, ibinahagi ang dahilan ng cameo role sa ‘Kadenang Ginto’

Naging trending ang naging cameo role ni Bea sa hit Kapamilya afternoon series na ‘Kadenang Ginto.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/22/2019 8:41 AM
Bea Alonzo, ibinahagi ang dahilan ng cameo role sa ‘Kadenang Ginto’


Kasado na ang pelikulang pagsasamahan nina Richard Gutierrez, Angelica Panganiban at Bea Alonzo na pamumunuan ng direktor na si Mae Cruz Alviar.

 

Sa naganap na story conference nito, ibinahagi ni Bea ang kanyang pananabik sa unang pelikula na makakasama niya si Angelica.

“Nagka-trabaho na kami before sa Maging Sino Ka Man, pero parang ilang eksena lang din kami magkasama and first time namin magpe-pelikula,” tugon niya.

“But I’ve watched most of her movies, alam naman niya na fan ako e, so talagang excited ako na maka-trabaho siya,” dagdag ni Bea.

Bukod sa upcoming Star Cinema movie, naitanong din ang naging dahilan ng kanyang naging cameo sa hit Kapamilya afternoon series na Kadenang Ginto.

Matatandaan na trending ang biglaang appearance ni Bea sa afternoon Kapamilya series.

“Hindi kasi dinalaw ko lang si Dimples [Romana] noon sa set ng Kadenang Ginto and then sinabi lang ng director na ‘Halika kunwari mabubunggo ka lang ni Daniella’ and then, nagulat na lang ako kasi hindi ko alam na ipalalabas nila talaga,” kuwento ni Bea.

Pagbibiro pa niya “Take two pa ‘yun ah,” masayang sabi ng aktres.

“Sabi nila, masyado daw akong OA, so take two,  ‘yun kaya thank you sa lahat ng sumuporta,” pahayag pa ni Bea.

Inaasahan na mapapanood ang kanyang pelikula bago magtapos ang 2019.