EXCLUSIVE: Viva Hot Babes, magkakaroon ng ‘comeback’

Ayon kay Viva Hot Babe Sheree, kasalukuyan nang nagpa-plano ang Viva Hot Babes para sa kanilang comeback o reunion show.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/21/2019 11:27 AM
EXCLUSIVE: Viva Hot Babes, magkakaroon ng ‘comeback’


Photo credit: @shereevb420 on Instagram & Spotify

Masayang inanunsyo ng Viva Hot Babes member na si Sheree, na naghahanda na ang kaniyang grupo sa kanilang pagbabalik sa industriya. Sa kaniyang interview sa PUSH Bets Live nitong Miyerkules, July 17, biro pa ni Sheree na isasama niya si Aleck Bovick sa reunion show nila. 

"We're planning (to do a reunion show). Baka mag-guest na [nga] sa amin si Aleck (Bovick) no'n, para mash up na namin ang ‘Nota’ at ‘Bulaklak,’" pahayag ni Sheree kasama ang kaniyang co-actress sa Kadenang Ginto na si Aleck.

Pagpapatuloy ng aktres, "And yun nga, mayroon kaming ilalabas na magazine ulit. Hopefully, by this time may konti nang damit, mas iba nang Hot Babes."

Nakilala ang sexy girl group na Viva Hot Babes noong mga 2000s, kung saan ay pinasikat nila ang mga kantang “Bulaklak,” “Kikay,” at “Basketbol.” Ilan sa mga unang miyembro nito sina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea Del Rosario, Jaycee Parker at iba pa. Kuwento ni Sheree, hindi naman nawala ang pagiging magkakaibigan nila kahit na may kani-kaniya na rin silang mga buhay sa ngayon. 

"We still do shows together, and nagha-hang out pa rin kami. And we support each other pa rin. Like Jaycee Parker nag run siya for councilor, so sa mga [campaigns] we support her [same as] Andrea Del Rosario. Kung ano ang mga kaniya kaniya na naming businesses, we support each other. 

Sa ngayon, wala pang ganap na date kung kailan ang naturang reunion show.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Repost from @shereevb420 using @RepostRegramApp - Almost there....60% done... Work in progress....

A post shared by ShereeArtBoutique (@shereeartboutique) on

 

Samantala, sa parehong interview din ay ibinahagi ni Sheree ang mga natatanging niyang hobbies ngayon tulad ng pagpipinta at pagdi-DJ. "Actually mahilig na talaga akong mag paint nung bata pa ako. Nag-decide talaga ako to take it seriously nung 2008, kasi one of my friends si Dennis Trillo we always hang out sa bahay niya before we always play Bob Ross. So bigla kong na-realize, I think I want to paint again. 

"[Then] I met this teacher from a school in Manila, nagpaturo ako one on one sa kaniya. Tapos wala na ayoko na siyang tigilan, I really fell in love with it," kuwento ni Sheree. 

Sa ngayon, patuloy si Sheree sa pagbubukas ng mga exhibits at minsan ay nagiging paraan niya rin ito para makatulong sa mga nangangailangan. Tulad ng isang auction na ginawa niya noon kasama ang isang salon endorsement, kung saan ang mga kinita ay napunta sa mga public schools. 

"Wala naman talaga akong balak to sell my paintings I just did an exhibit ganyan. I usually paint lucky paintings. Kasi marami akong energy and I want to share my energy to other people through my art," paliwanag ng aktres at singer. 

 

 

Nang tinanong naman kung  ano ang naging inspirasyon niya sa pagiging DJ, sagot ni Sheree, "Actually I produce my own music. Yung music na kinakanta ko ngayon - its all EDM, club music. You know what, walang limit sa mundo e. Lahat ng gusto mong matutunan, pwede mong matutunan kapag gusto mo."

Panooring ang buong interview dito:

Patuloy na mapapanood si Sheree sa Kadenang Ginto, araw-araw.