Shanti Dope, tuloy lang sa pagsulat ng mga awitin

Nanatiling inspirado ang rapper na gumawa pa ng mga awitin.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/21/2019 6:04 PM
Shanti Dope, tuloy lang sa pagsulat ng mga awitin


Photo credit: @pushalerts on Instagram

Sa kabila ng mga naging kontrobersya noon, tuloy tuloy lang sa pag gawa ng mga awitin ngayon ang rapper composer na si Shanti Dope.

Si Shanti ang simulat ng mga awitin gaya ng “Mau”, “Nadarang” at ang kontroberyal na “Amatz”.

Matatandaan na kamakailan ipinagbawal ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang awitin ni Shanti Dope na “Amatz” dahil sa double meaning na kahulugan nito.

READ: Shanti Dope’s camp denies ‘Amatz’ promotes use of illegal drugs

Sa panayam kay Shanti sa MOR Pinoy Music Awards, nanatiling positibo ang rapper composer sa pag gawa ng mga awitin ngayon.

“Sa totoo lang, ganun talaga e’ ano man ang dumating kailangan mo lang siya gawing positive gawin mo lang siya gawing inspirasyon, mapa-negative man nilang tignan ‘yung alam mo ‘yung kung ano ang nilalabas mo,” tugon ni Shanti sa panayam ng PUSH at ilang entertainment press.

Ayon pa kay Shanti, negatibo man ang inani ng kanyang ginawang awitin, hindi padin siya titigil sa pagbibigay inspirasyon sa iba.

“Gawin mo lang silang inspirasyon para maging positive ang negative,” pahayag pa ni Shanti.

Matatandaan din na ilang Kapamilya stars ang nagpaabot ng interest na makasama si Shanti Dope sa kanilang mga susunod na awitin.

READ: Inigo Pascual hopes to collaborate with Shanti Dope

Sa ngayon, abala si Shanti sa pagtapos sa pag-aaral habang isinasabay ang kanyang karera bilang isang mang-aawit.