• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Heaven Peralejo, nag-react sa usap-usapang nakatanggap siya ng pera mula kay Jimuel Pacquiao

PANOORIN: Heaven Peralejo, nag-react sa usap-usapang nakatanggap siya ng pera mula kay Jimuel Pacquiao

Mariin na itinaggi ng aktres na si Heaven Peralejo na nakatanggap siya ng pera mula sa pamilya ng kanyang boyfriend na si Jimuel, anak ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/21/2019 4:44 PM
PANOORIN: Heaven Peralejo, nag-react sa usap-usapang nakatanggap siya ng pera mula kay Jimuel Pacquiao


Mariin na itinaggi ng aktres na si Heaven Peralejo na nakatanggap siya ng pera mula sa pamilya ng kanyang boyfriend na si Jimuel, anak ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

Sa kanyang vlog entry nitong Biyernes kasama ang kanyang inang si Shiela Luanne Peralejo at isang matalik na kaibigan, nilinaw ng 19-year-old star na walang katotohanan sa kumakalat na balitang inaabutan siya umano ni Jimuel ng pera.

“I mean, I don’t get money from him. OK, I have work. Hindi ko naman siya tatay para kunan ng pera," aniya.

“Kapag nagboyfriend kayo, kuha kayo ng pera sa boyfriend n’yo?" dagdag naman ng kanyang ina. "Nagdadrugs ba kayo? Hello?"

Matapang din na sinagot ni Heaven ang assumption ng isang netizen na isa siyang "gold digger."

"Bakit ka pa magtatrabaho sa sarili mo if yun din naman ang gusto mong gawin?" sagot ng kanyang kaibigang nagngangalang Jean Lacsamana.

"And also kasi gusto ko ring makatulong kay Mom," patuloy ni Heaven. "Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang assumption na iyan. Maybe because sa ex ko. Ah!"

Panoorin ang buong bidyo rito:

Bagamat hindi nilinaw ni Heaven kung sino ang "ex" na kanyang tinutukoy, may mga kumakalat na balitang hiwalay na sila ni Jimuel matapos mapansin ng fans na naka-unfollow sila sa isa't isa sa Instagram.

READ: Jimuel Pacquiao and Heaven Peralejo unfollow each other on Instagram

Noong Marso lamang nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon sa publiko.