• Home
  • Fresh Scoops
  • PAKINGGAN: Manny Pacquiao, Catriona Gray, at ilan pang Pinoy Pride binigyang pugay sa 'Galing Natin Ito!'

PAKINGGAN: Manny Pacquiao, Catriona Gray, at ilan pang Pinoy Pride binigyang pugay sa 'Galing Natin Ito!'

Isang kanta ang inihandog ng ABS-CBN bilang pagpupugay sa mga Pilipino na nagbigay ng karangalan sa bansa matapos na magwagi sa kani-kanilang larangan sa international arena.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/21/2019 2:12 PM
PAKINGGAN: Manny Pacquiao, Catriona Gray, at ilan pang Pinoy Pride binigyang pugay sa 'Galing Natin Ito!'


Isang kanta ang inihandog ng ABS-CBN bilang pagpupugay sa mga Pilipino na nagbigay ng karangalan sa bansa matapos na magwagi sa kani-kanilang larangan sa international arena.

Ilan sa mga 'Pinoy Pride' na tampok sa recording music video ng "Galing Natin Ito" ay ang Boxing Champ na si Manny Pacquiao, kapwa Miss Universe queens na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, Broadway star na si Lea Salonga, at Pinay skateboarder na si Margielyn Didal. Ipinalabas ang nasabing video sa unang pagkakataon ngayong Linggo bilang 'cheer' kay Pacquiao sa kanyang boxing match laban sa kapwa boksingerong si Kieth Thurman.

"The song is the official theme of ABS-CBN’s National Cheer Campaign that celebrates the success of Filipinos to inspire the nation to unite and help unleash each other’s potential for greatness.

"With its catchy lyrics and melody, 'Galing Natin Ito!' can be used to cheer on Filipinos during international competitions to boost their morale and make our presence felt in the world just like how it is done in basketball, volleyball, boxing, and football events."

Kabilang sa mga Kapamilya artists na nagbahagi ng kanilang boses para sa 'Galing Natin Ito!' ay sina Angeline Quinto, Bamboo, Billy Crawford, Daniel Padilla, Darren Espanto, Erik Santos, Gary Valenciano, Gloc 9, at Iñigo Pascual.

Tampok din sa kanta sina Jason Dy, Jed Madela, Kyla, KZ Tandingan, Martin Nievera, Moira Dela Torre, Morissette Amon, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Regine Velasquez-Alcasid, Sarah Geronimo, Shanti Dope, Toni Gonzaga, TNT Boys Mackie Empuerto, Francis Concepcion, at Keifer Sanchez, Yeng Constantino and ZsaZsa Padilla.

Samantala, muling nagwagi si PacMan bilang WBA Super World champion matapos na talunin si Thurman sa kanilang laban sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas nitong Sabado. 

Panoorin ang music video dito: