• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin at kanyang "Ang Probinsyano" co-stars, sabay na nanood ng 'Rak of Aegis'

Coco Martin at kanyang "Ang Probinsyano" co-stars, sabay na nanood ng 'Rak of Aegis'

Ilan sa cast na dumalo sa New Manila, Quezon City nitong Biyernes kasama ni Coco Martin ay ang Kapamilya stars na sina John Prats, Denise Laurel, pati na rin sina Raymart at Rowell Santiago.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/21/2019 2:28 PM
Coco Martin at kanyang


Photo credit: @pepe.herrera on Instagram

Sa pamumuno ni Coco Martin, sabay sabay na tumungo ang cast ng primetime series na FPJ's Ang Probinsyano sa theater center ng Philippine Educational Theater Association, o PETA, upang suportahan ang dating co-star nilang si Pepe Herrera sa ika-pitong season ng Pinoy Original Musical na Rak of Aegis.

Ilan sa cast na dumalo sa New Manila, Quezon City nitong Biyernes kasama ni Coco ay ang Kapamilya stars na sina John Prats, Denise Laurel, at Raymart at Rowell Santiago.

Ayon sa kanyang interview kasama ang press, ibinahagi ni Coco na matagal na niyang balak panoorin ang Rak of Aegis bilang kanyang pangako kay Pepe noong sila ay magkatrabaho pa sa Ang Probinsyano.

"Finally. Napakaraming beses ko nang binalak na panoorin 'to. Ngayon, nabigyan ako ng pagkakataon. Kahit sa kaunting oras kasi nga sa sobrang busy namin sa trabaho, dahil nga pagod, sa mga ganitong pagkakataon nakakapag-bonding kami. Ayun, mas nabubuo 'yung samahan bilang pamilya, bilang magkakaibigan, bilang magkakapatid," aniya.

"Especially, support kay Pepe. Noong magkasama pa kami sa Ang Probinsyano, ilang beses ko nang pinangako sa kanya na panonoorin ko talaga 'to and ngayon napanood ko na siya, sabi ko nga worth it," dagdag pa niya.

Matapos panoorin ang play, pinuri ni Coco ang napakahuhusay na aktor ng Rak of Aegis at sinabing deserve itong maipagmalaki ng mga Pilipino.

Aniya, "Napakasaya. Napakaganda. Nakaka-proud maging Pilipino. Napakagaling lahat nila. Sana lahat ng mga Pilipino mapanood 'to kasi talagang very Pinoy. Napakarami ko nang play na napanood, lalo na sa ibang bansa, pero kakaiba 'to kasi Pinoy na Pinoy at talagang nakaka-relate ka 'pag nanood ka. Sobrang husay nila.

"Ibang mundo naman 'to. Ibang mundo ng mga aktor ang nandito. Nakakaproud kasi alam mong mahirap 'yung ginagawa nila. Hindi lang umaarte kundi kasabay 'yung pagkanta kaya sana hindi lang dito sa Pilipinas. Sana magkaroon ng opportunity na maipalabas natin sa ibang bansa 'yung mga ganitong maipagmamalaki nating mga Pilipino."

Samantala ay ipinahatid naman ni Pepe ang kanyang pasasalamat kay Coco at sa kanilang Ang Probinsyano family sa Instagram post na ibinahagi niya nitong Linggo. 

"Ibang ligaya ang nangingibabaw sa pagsanib ng mga enerhiya nung Biyernes ng gabi sa [PETA]. Nagjoint forces ang mga alagad ng Telebisyon at Teatro para magpaligaya. Ternong terno pa ang suot ni Tsip sa Barangay Venezia. Hehe. What a night. Ang saya ko sobra. Mabuhay tayong lahat," aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Share ko lang.. ibang ligaya ang nangingibabaw sa pagsanib ng mga enerhiya nung Biyernes ng gabi sa @petatheater. Nagjoint forces ang mga alagad ng Telebisyon at Teatro para magpaligaya. Ternong terno pa ang suot ni Tsip sa Barangay Venezia. Hehe. What a night. Ang saya ko sobra. Mabuhay tayong lahat.💚 Share ko Lang din showdates ko for August and September - August 3, 3pm and 8pm August 4, 3pm August 10, 8pm August 11, 3pm and 8pm August 18, 3pm August 24, 3pm and 8pm August 25, 3pm August 31, 3pm and 8pm September 8, 3pm September 22, 3pm and 8pm September 28, 8pm September 29, 3pm. For the August 10, 8pm show, please contact Icee Po - 09178109668. For the rest, just visit www.petatheater.com for list of Showbuyer contact details. I’ll see you. For now, goodnight and sweet dreams.💚 📸 @cocomartin_ph

A post shared by Pepe Herrera (@pepe.herrera) on

Maging si Mitch Go, ang head of performance ng PETA, ay malaki ang pasasalamat kay Coco sa kanyang patuloy na suporta sa kanilang mga adbokasiya. 

"We would like to extend our appreciation in behalf of all PETA for your continuous support sa aming mga adbokasiya. Marami pong salamat at 'wag po sana kayong magsasawa. Patuloy lang po ang pag-suporta sa theater at sa Philippine culture," aniya.