Angelica Panganiban, self-love muna ang focus ngayon

Binigyang linaw ni Angelica Panganiban ang pagkakaugnay niya sa isang foreigner at kay Cholo Barretto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/21/2019 12:06 PM
Angelica Panganiban, self-love muna ang focus ngayon


Photo credit: @iamangelicap on Instagram

Self-love at focus muna sa sarili, ito ang naging pahayag ng Kapamilya Actress na si Angelica Panganiban sa naganap na story conference ng kanyang upcoming movie kasama si Richard Gutierrez at Bea Alonzo.

Kasunod ito ng mga naging tanong ng PUSH at ilang entertainment press kay Angelica nang napag-usapan muli ang estado ng kanyang buhay pag-ibig.

Una na dito ang foreigner na spotted na kanyang kayakap habang nasa bakasyon Amerika.

Angelica-Panganiban-1.jpg

“Hindi ako in love. (Single pa din?) Wala may mga kaibigan siyempre akong nakikilala ‘pag-ka bumi-byahe ako wala naman siguro masama doon,” paglilinaw ni Ange sa naganap na story conference ng upcoming Star Cinema movie.

Ayon sa Kapamilya actress, wala siyang nakikitang mali sa pinag-usapang larawan ng kanyang mga fans.

“Ang tao talaga abroad, medyo hindi sila ganun ka conservative, I mean very expressive sila sa mga ginagawa nila. So I don’t see any harm naman doon sa (Picture),” aniya.

Diin ni Ange sa press kaibigan lamang niya ang foreigner na kasama sa kumalat na larawan. “Yes! Yes! mga na-meet ko abroad,” paglilinaw ng aktres.

Bukod sa foreigner, tila nabigyang malisya din ang kanilang larawan ng kaibigan na si Cholo Barretto na nakasama ng aktres ng magbakasyon ito sa Siargao kasama ang ilan pa niyang kaibigan.

“Oo natawa lang ako,” sabi ng aktres.

Aniya, sanay na siya sa pagbibigay malisya ng mga tao sa kanyang mga ginagawa.

“E ganun naman ang mga tao e’, malisyosa talaga ang mga tao, kahit naman ako malisyosa din naman ako, ‘di ba? Pwede ko din pagdudahan ‘yun pero anong gagawin ko? Anong reaction ang gagawin ko? Wala naman akong ginagawa,” paliwanag pa niya.

Sa ngayon, abala si Angelica sa nalalapit na pagsisimula ng shoot ng proyekto kasama si Richard Gutierrez at Bea Alonzo.