• Home
  • Fresh Scoops
  • Anak ni Herbert Bautista na si Race Matias, sasabak na sa showbiz

Anak ni Herbert Bautista na si Race Matias, sasabak na sa showbiz

Kasama si Race Matias sa pelikulang ‘Indak’ na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/21/2019 11:48 AM
Anak ni Herbert Bautista na si Race Matias, sasabak na sa showbiz


May go signal na ang kanyang ama na si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at ang mom niyang si Eloisa Matias para pasukin ni Race Matias ang showbiz. Graduate na kasi si Race ng Filmmaking at Scriptwriting sa New York Academy at nag-aral din ng acting sa Los Angeles, California.

“Aral daw po talaga muna sabi ng mom ko. At first I wanted to join like yung Goin’ Bulilit, Pinoy Big Brother, pero paulit-ulit akong minamartilyo sa ulo ko ng nanay ko na, ‘Uy ikaw, wala kang gagawin hanggang magtapos ka.

“Yon talaga yung priority –focus sa school and get a degree kahit saan and after that full-fledged support na talaga in whatever I want to do,” kuwento ni Race tungkol sa naging kondisyon nila ng kanyang mom before siya mag-join ng showbiz.

First movie ni Race ang dance film na Indak ng Viva Films na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Ani Race, “Now, full support sila. It was a very good choice for my parents. I’m lucky enough I was able to find my passion in acting.  I guess it sort started when I joined dancing and then from there, I started a hobby watching movies, video games, reading comics.

“I remember my mom asking me what I wanted when I grow up. I was the biggest fan of Spider-man. Natawa lang siya so I asked why. ‘She said, he’s just an actor.’ So I wanted to be an actor,” kuwento pa ni Race.

Ano ang naging impresyon niya kay Nadine na first time niyang nakatrabaho sa pelikula?

“Akala ko nga talaga, mataray siya,” unang impresyon niya sa aktres. “But she’s great. She’s a lovely person to work,  to hang out with. Of course, at first, medyo na-i-intimidate ako sa kanya kasi it’s Nadine Lustre. You go to any street in the Philippines, mukha niya ‘yong makikita mo,” dagdag na reaksyon ni Race.

Hindi rin itinanggi ng anak ni Herbert na sa simula ay nakaramdan siya ng takot sa bida ng Indak.

“I’m not going to lie, I was very scared of her the first time. As the production went on and I got to know the cast and crew better, I realized that ‘Wow. I must be stupid to assume that a person this humble and this selfless would be mataray.’

“It just changed my perspective, meeting people as a whole. She’s a great person, and I hope to God one day that I get to work with her again,” pahayag pa niya.

Showing ang Indak sa August 7 mula sa direksyon ni Paul Basinillo.