• Home
  • Fresh Scoops
  • ABS-CBN Film Restoration, nakatanggap ng international award dahil sa Sagip Pelikula advocacy

ABS-CBN Film Restoration, nakatanggap ng international award dahil sa Sagip Pelikula advocacy

Mga bagong classic films na may restored version, inilabas na ng ABS-CBN Film Restoration.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/21/2019 11:27 AM
ABS-CBN Film Restoration, nakatanggap ng international award dahil sa Sagip Pelikula advocacy


Photo credit: @abscbnpr on Instagram

Proud na ibinida ng ABS-CBN Film Restoration Head na si Leo Katigbak ang bagong international award na natanggap nila, ang Award of Merit mula sa 2019 Gold Quill Awards. Ang naturang pagkilala ay dahil sa tagumpay na pagsusulong ng adbokasiya na 'Sagip Pelikula'. 

Sa press conference na naganap noong Biyernes, July 19, masayang ipinakita ni Leo ang pagpapatuloy ng adbokasiya, kasabay na rin ng anunsyo ng mga bagong pelikula na mayroon nang restored versions. 

Ayon kay Leo, layunin ng adbokasiya na iabot sa bagong henerasyon ang mayaman at mahusay na sining ng pelikula na nagsimula noon. "Kung dati mga kuwento lang ng magulang o lolo at lola natin, ngayon mas nararamdaman na ito. Magandang pagkakataon ang isang daang selebrasyon ng Philippine Cinema para mapukaw ang interes ng tao," pahayag niya. 

 

 

Read : Restored version ng 1941 film ‘Ibong Adarna,’ ipapalabas sa Cinema One

Sa pagsisimula noong 2016, ang Sagip Pelikula advocacy ay isang proyekto na nagliligtas sa mga lumang pelikula na pinasimulan. Sa higit na 180 na pelikula nang nai-restore, ito rin ang pinaka-unang proyekto na ginawa sa buong Asya. 

Sa parehong press conference din ay inanunsyo ang mga bagong classic films na mayroon nang restored versions. Ilan sa mga ito at ang Ibong Adarna (1941, ang pinaka-luma sa kanilang archives), Malvarosa (1958), at Anak Dalita (1956).

Kasama rin ang ilang pelikula nina Johnny Delgado, Ronnie Lazaro na Misteryo Sa Tuwa (1984), pelikula nina Jay Ilagan, Rio Locsin na Soltero (1984), at pelikula ni Alma Moreno na Mga Bilanggong Birhen (1977). 

Ipinalabas din ang mga bagong teaser trailers ng mga restored versions ng mga pelikula ni Christopher De Leon at Jay na Tisoy (1977) at Bad Bananas sa Puting Tabi (1983). Karagdagan din sa listahan ang pelikula nina Kuh Ledesma, Christopher at Rio na Tinimbang ang Langit (1982), pelikula nina Richard Gomez at Dawn Zulueta na Saan Ka Man Naroon (1993).