PANOORIN: Unang sigaw ni Jane de Leon bilang Darna

Napili si Jane de Leon upang gampanan ang role na Darna sa bagong pelikulang ilalabas ng ABS-CBN Films.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

7/20/2019 1:09 PM
PANOORIN: Unang sigaw ni Jane de Leon bilang Darna


Matapos ihayag na si Jane de Leon na ang bagong gaganap bilang Darna sa bagong pelikulang ilalabas ng ABS-CBN Films, lumitaw naman sa online world ang isang video kung saan siya ay sumigaw ng “Darna!” sa unang pagkakataon.

Read: ABS-CBN Films chooses Jane de Leon as new Darna

Ayon naman kay ABS-CBN Films managing director Olivia Lamasan, naging ‘unanimous decision’ ang pagpili sa bagong aktres.

Unang ibinigay kay Angel Locsin ang role na Darna at nang magkaroon siya ng injury ay inanunsyo niyang hindi na niya kayang gampanan ito. Matapos bitawan ni Angel ang role ay napunta naman ito kay Liza Soberano ngunit sa kasamaang palad ay nagkaroon naman ng finger injury si Liza at kinailangan na rin niyang iwanan ang role.

Nang inanunsyong si Jane na ang bagong Darna, kaagad naman siyang binati ng mga aktres.

Read: Liza Soberano posts message for new ‘Darna’ Jane de Leon

Si Jerrold Tarog naman ang magiging direktor ng nasabing pelikula.