Maris Racal, may alok na awitin para kay KZ Tandingan

Isang hugot song ang sinusulat ngayon ni Maris Racal na kuwento ng kanyang pinagdaanan sa buhay.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/20/2019 11:10 AM
Maris Racal, may alok na awitin para kay KZ Tandingan


Photo credit: @kztandingan on Instagram

Tuloy sa pagsulat ng mga awitin ngayon ang Kapamilya Star na si Maris Racal. Kuwento ni Maris, kasalukuyan niyang tinatapos ang isang hugot song na alok niyang ipa-awit sa kanyang idolo na si KZ Tandingan.

“Tuloy pa din ang paggawa ko ng songs,” kuwento ni Maris sa naging panayam ng press.

“Pero gusto ko iba ‘yung kakanta, para mas kurot,” patuloy ni Maris.

Aniya kuwento ito ng kanyang mga pinagdaanan sa kanyang personal na buhay.

“Dream ko talaga siya na ang kakanta ng bago kong song, si Ate KZ [Tandingan]. Lagi ko siya nilalambing tungkol diyan. Sabi ko sa kanya, tinatapos ko lang ang song,” kuwento pa ni Maris.

Ibinahagi din Maris ang kanyang plano ngayon sa pag-pasok sa mundo ng recording.

“Ngayon mayroon akong bagong single na ‘Abot Langit’ and mayroon po akong acoustic version. ‘Yun po ‘yung with the producer, si Rico Blanco, and hopefully isang album,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, abala si Maris sa promotion ng kanyang pelikula na I’m Ellenya L na bahagi ng Pista ng Pelikukang Pilipino 3.