• Home
  • Fresh Scoops
  • Jameson Blake, ibinahagi ang working experience kay Cathy Garcia Molina

Jameson Blake, ibinahagi ang working experience kay Cathy Garcia Molina

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/20/2019 11:16 AM
Jameson Blake, ibinahagi ang working experience kay Cathy Garcia Molina


Photo credit: @hashtag_jameson on Instagram

Bagong proyekto na ang ikinakasa para sa Kapamilya actor na si Jameson Blake matapos niya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN Films.

Pag-amin ni Jameson, simple lang ang motto na sinusunod niya sa buhay.

“You just have to do what you love and love what you do basically because you’ll never bring out the most if you don't love what you're doing,” sabi pa ng aktor.

Kakaiba din ang dream role ni Jameson na gusto na niya sanang matupad at gampanan.

“I want to be this top agent. I want to be this high class CIA agent. Parang similar like that you know what I mean,” ani Jameson.

Kasama din ang aktor sa latest Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye bilang kapatid ni Alden Richards, hindi din niya makakalimutan ni Jameson ang experience makatrabaho si Direk Cathy Garcia-Molina.

“Hindi naman siya nagalit sa akin. She’s strict pero I'm not complaining. All in all I appreciate her as a director talaga she knows what she's doing.” 

Bukod sa Hello, Love, Goodbye, lead star din si Jameson sa G na official entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.