• Home
  • Fresh Scoops
  • Empoy Marquez, birthday wish ang magka-‘partner in life’

Empoy Marquez, birthday wish ang magka-‘partner in life’

Isinelebreyt ni Empoy Marquex ang kaniyang kaarawan kasama ang mga batang pasyente ng National Children's Hospital.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/20/2019 11:15 AM
Empoy Marquez, birthday wish ang magka-‘partner in life’


Photo credit: @empoy on Instagram

Sinorpresa ng mga momshie hosts si Empoy Marquez sa episode ng Magandang Buhay noong July 19, dahil sa dalawang video greetings mula sa kaniyang mga magulang na kasalukuyan nang hiwalay na pala. 

"Sobrang nagulat ako lalo na sa video greet ng tatay ko, first time niya sa TV e. Magkahiwalay sila e, separate lives sila. Kaya ayun, thankful ako, kahit na 'scattered' ang family namin," pahayag ni Empoy na sinubukang magbiro kahit muntikan nang maging emosyonal. 

Empoy Marquez, bilib kay Coco Martin

Sa parehong interview din ikinuwento ni Empoy ang pagbisita niya sa National Children's Hospital bilang selebrasyon ng kaniyang kakalipas lang na kaarawan. Ayon sa komedyante, tradisyon niya na ang pagbisita sa mga charity o nursery homes tuwing kaarawan niya.

"Every year naman talaga pumupunta ako sa mga Home for the Aged. Since 2012 na-cut lang siya nung naging sobrang busy ako," paliwanag ni Empoy. 

 

 

Nang tanungin kung ano ang kaniyang hiling sa kaniyang kaarawan, sagot niya, "Wish ko siguro, dahil sa maraming blessings na akong natatanggap galing kay God siguro wala na akong mahihiling pa. Wish ko sa kaniya, bigyan niya na ako ng partner sa buhay." 

Kasama rin ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Empoy na si Teddy Corpuz ang bumisita sa morning talk show. Payo nito bilang kaibigan, ay wag sumuko dahil darating sa tamang panahon ang hinihiling nitong parter in life.

AlEmpoy tandem, magsasama muli sa isang pelikula

Angelica Panganiban, Sam Milby and other celebs to lend their voices for original animated film 'Hayop Ka'

Kita Kita ang ang isa pelikulang pinagbidahan ni Empoy, kung saan ay nakatambal niya dito si Alessandra De Rossi. Matapos pumatok sa takilya ang naturang tambalan, nakatakda na rin ang kanilang comeback sa isang pelikula ng Spring Films, na may title na Lovers in Pares.