• Home
  • Fresh Scoops
  • Teresa Loyzaga, nanghihikayat na pag-usapan ang depression, nagbigay ng update sa anak na si Diego

Teresa Loyzaga, nanghihikayat na pag-usapan ang depression, nagbigay ng update sa anak na si Diego

‘Babalik siya at pagdating ng araw na 'yon, happy na again,’ ayon kay Teresa Loyzaga tungkol sa hiatus ng kaniyang anak na si Diego.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/2/2019 10:26 AM
Teresa Loyzaga, nanghihikayat na pag-usapan ang depression, nagbigay ng update sa anak na si Diego


Photo credit: @teresaloyzaga on Instagram (L)

Nalalapit na ang pagbabalik ni Diego Loyzaga. Ito ang update na binigay ng ina nitong si Teresa Loyzaga sa episode ng Magandang Buhay noong July 1. Kuwento ng aktres, marami ang lumalapit at nag-aabang kung kailan muli makikita ng fans si Diego.

"Ayaw namin kayong i-let down. Soon we will be able to give you a date and we will be able to say yes. Right now let's wait in happy anticipation. Again, thank you dahil 'yung suporta po niyo ay napakalaking tulong sa amin.

“Babalik siya, at pagdating ng araw na 'yon, happy na again," anunsyo ni Teresa sa mga momshie hosts.

Dagdag ni Teresa, naging maganda ang dulot ng pagpapahinga ni Diego sa kanilang relasyon bilang mag-ina.

"Right now, Diego has decided na wala muna akong gadgets. Talagang lahat 'yan out. He is maturing and he's realizing what little things actually mean.

"Ngayon gusto niya mag-take over ng kusina, nagluluto na... At saka gusto niya makialam sa garden ko, 'yung mga gulay na tinatanim ko,” kuwento ni Teresa.

Plano rin daw ni Diego ang kumuha ng kurso sa paggawa ng pelikula, na ayon sa ina ay susuportahan niya.

"Now he wants to go to school. He wants to study directing. Sabi ko why not? Kasi he has an eye, magaling siya sa camera talaga. Alam niya ang shots, alam niya 'yung codes, sabi ko good on you. So refocus, 'yun lang 'yon. 

“It's a good thing you stop muna, take a break, reassess, refocus and then go," ayni Teresa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Shes happy so i am too #LazonesFestival2018 #FeelCamuigin

A post shared by Diego (@diegoloyzaga) on

 

Sa parehong episode din ng morning talk show naging bukas ang aktres na pag-usapan ang isyu ng depression. Ayon sa kaniya, kailangan na magkaroon ng marami pang diskusyon tungkol dito para maintindihan ng marami.

"Parang napansin ko lang sa society natin, hindi masyadong napag-uusapan ang depression. At the more na hindi natin ito pinag-uusapan, the more hindi natin ito maiintindihan,” ani Teresa na inaming dumaan din sa depresyon noon.

READ: Teresa Loyzaga pens touching birthday message for son Diego

READ: Marco Gumabao on Diego Loyzaga leaving ‘Los Bastardos’: ‘We were all in shock’

"Alam mo you deal it one step at a time. You reach out, humingi kayo ng tulong. Ang maganda diyan kung mayroon kayong good family support, 'yung ipaalam mo sa miyembro ng pamilya mo. Huwag mong hanapin kung saan-saan," payo niya sa mga viewers ng programa.