Roxanne Barcelo, namaalam na sa kanyang ama

Nagluluksa ngayon ang aktres na si Roxanne Barcelo dahil sa pagpanaw ng kanyang ama umaga ng Lunes, ika-1 ng Hulyo (PH time).

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/2/2019 6:03 PM
Roxanne Barcelo, namaalam na sa kanyang ama


Photo Credit: @roxannebarcelo on IG

Nagluluksa ngayon ang aktres na si Roxanne Barcelo dahil sa pagpanaw ng kanyang ama umaga ng Lunes, ika-1 ng Hulyo (PH time).

Ibinahagi ng “Wildflower” star ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories.

“8:50 a.m., I felt a gentle nudge. Tatay always wakes me up. Everyday tirelessly, he wakes me up. Today, he woke me up again. I whispered in his ear, ‘I love you, Tatay. Good morning po. Salamat sa lahat,’” aniya.

Makaraan lamang ang tatlong minuto, naramdaman ni Roxanne na biglang bumagal ang heartbeat ng kanyang ama.

“I felt his pulse get weak and saw him take a deep breath, and that was his last breath. Tatay woke me up before he left. He woke me up. I love you forever ama ko, tatay ko,” dagdag niya.

Dalawang linggo lamang ang nakakaraan nang mag-post si Roxanne sa kanyang Instagram page patungkol sa kanyang tatay.

“Stay with me, please. Abba Father, help,” aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tatay... stay with me. Please.🙏 Abba Father help.🙏

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo) on

Ilang celebrities ang nagbahagi ng kanilang prayers and get well soon wishes sa nasabing post, kabilang na sina Zsa Zsa Padilla, Luis Alandy, at dating boyfriend ni Roxanne na si Will Devaughn.

Sa ngayon ay hindi pa tinutukoy ng Kapamilya star ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang yumaong magulang.